Advertisers
Ni CRIS A. IBON
IPINAG-UTOS ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, Major General Nicolas Torre III, sa kanyang hanay na nakatalaga sa iba’t ibang lugar sa buong bansa na “huwag magkanlong” sa anino ng mga ilegalista upang maiwasan ang mga aktibidad na nakakasira sa propesyon at dignidad bilang mabuting alagad ng batas.
Binigyang diin ni Torre sa kanyang mga opisyales at tauhan na sumunod sa pinaiiral na “No Take Policy” ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, kundi ay magdadala ito ng bangungot sa kanilang serbisyo tulad ng pagkasuspinde o pagkasibak sa trabaho kapag hindi tumalima sa naturang polisiya.
Tiniyak naman ng mga malalapit na tauhan ng heneral na sinsero si Torre sa kanyang instruction sa buong pwersa ng CIDG, na sugpuin ang lahat na uri ng illegal activities lalo na ang gambling at fuel theft o paihi na tampok sa mainit na pagtuligsa maging ng mga taga-suporta at kritiko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Kapag may nabalitaan kayo na ilegal ay pabato nalang sa amin ng inyong impormasyon at mahuhuli lahat yan, asahan po n’yo na lahat na Regional Field Unit (RFIU) Chief at mga Provincial Officer (PO) ng CIDG ay gagalaw at susunod sa ibinabang utos ni General”, ang pagtiyak ng isang CIDG official sa Police Files Tonite.
Tinukoy ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang mga lantarang paihi/buriki operation tulad ng sa magkakasosyong Amang, Goto, Cholo ng Violago Group at magkapatid na Ador sa may Yakult Philippines, Brgy. Makiling, Calamba City.
Halos isang taon na ang walang takot na pagnanakaw ng may 10-kataong armado ng baril na mga tauhan nina Amang, Goto at Ador Brothers sa Calamba City. May paihian/burikian at pasingawan din ang magkapatid sa Brgy. Paciano Rizal sa naturan ding lungsod at sa Silangan Exit sa Cabuyao City, Laguna. Pero dedma lang ito kina Laguna OIC Provincial Director, Col. Ricardo Dalmacia, at maging sa kanyang police chief sa syudad.
Dekada-dekada naman ang operasyon ng paihian/burikian ng petroleum products at pasingawan ng Liquified Petroleum Gas (LPG) nina Amang, Cholo at Goto sa Brgy. Bancal, Carmona City, ngunit nagmimistulang inutil at walang aksyon laban dito si Cavite OIC Provincial Director, Col. Dwight Alegre, at ang kanyang hepe ng kapulisan sa lungsod.
Ang higit na nakadidismaya ay maging si CIDG RFIU 4A Chief, Col. Emerick Sibalo, ay hindi din gumagalaw laban sa naturang sindikato na ‘di lang salot kundi pananabotahe din sa ekonomiya ng bansa.
Talamak din ang operasyon ng mga pasugalan ng illegal card at table games ng mga nagpapakilalang supporter ni Senatorial re-electionist candidate Ronald “Bato” Dela Rosa. Ang sangkaterbang sugalan na may shabuhan ay nasa tabi ng Ariza Plaza na isang Mall sa Pagsanjan, Laguna na ino-operate ng mag-asawang beteranong gambling at drug operator na sina alyas Boy No Life at Eve.
Nang-eenganyo pa ang dalawa sa mga kapwa gambling maintainer na sumapi sa kanilang bogus na asosasyon na nagpapatakbo ng tradisyunal na perya o karnabal na front ng mga pasugal at bentahan ng shabu.
Boladas ng mag-dyowa sa mga katulad nilang ilegalista, kapag muling nahalal ang Die Hard Duterte at China Supporter (DSDS) na senador ay ‘di na matitinag ng PNP, NBI at CIDG ang kanilang gambling at drug den.
Nag-ooperate din ng katulad na mga pasugalan sina Judith sa Brgy. Lankiwa, Brgy. Sto. Domingo katabi ng public market sa Binan City; Star Mall ng Sta. Rosa City, Brgy.Tuntungin ng magkasosyong Rommel at Mely sa Los Baños; Elmer sa Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City at maraming iba pa.
May mga bookies naman ng Small Town Lottery (STL) sina Rene sa 16 barangays ng Lumban; Ex- Sgt. Dimatulac, Amante R., Pinky ng San Timmy ng San Pablo City; Tita ng Cabuyao at Calamba City, Manguiat, Tose ng San Pedro City at Biñan City, Osel ng Calauan at may 20 iba pa.
Lantaran naman ang pasakla nina Hero, Ka Minong, Sgt. Hayag sa maraming barangay at sa mga lisensyadong sabungan at tupadahan ng Dasmariñas City, Bacoor City, Trece Martires City, Cavite City at mga bayan ng Amadeo, Maragondon, Noveleta, Naic, Bailen, Magallanes, Ternate at marami pang bayan sa Cavite, na iniutos din ni Gen. Torre III na lipulin sa lalawigan nina Department of Justice Secretary Boying Remulla at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
May mga pergalan (peryahan sugalan) sa mga barangay ng Paradahan 1 at Punta 1 sa Tanza ang isang alyas Egay at Lody; Charlie at Nina sa Brgy. Patungan sa Maragondon; Michael sa Brgy. Sabang, Naic; at Tetet sa Brgy. Paliparan, Dasmariñas City; at iba na kinokotongan nina Hero, Ka Minong at Sgt. Hayag ng protection money para sa pangalan ng mga Remulla, Gov. Athena Bryana Tolentino at Col. Alegre.
Ipinagyayabang nina Hero, Ka Minong at alyas Sgt. Hayag na sila ang naatasan na ayusin ang operasyon ng lahat na uri ng illegal vices sa lahat na siyudad at bayan pati na ang mga-bookies ng Perya ng Bayan (PnB) lotteng, EZ2, pick 3 at online gambling nina Jun Toto, Nitang Kabayo, Kap Abner, Santander ng Dasmariñas City, Bacoor City at iba pa kapalit ng milyones na lingguhang payola. May karugtong…