Advertisers

Advertisers

Football field sa mall!

0 12

Advertisers

King James, His Airiness o Black Mamba ba ang pinaka-swak na moniker ng mga superstar sa NBA?

Walang katapusang debate na naman ng mga tagahanga nina LeBron James, Michael Jordan at Kobe Bryant yan.

Siyempre dapat isama din natin ang iba gaya ng mga retiradong sina Dr. J ( Julius Erving), Magic Johnson (Earvin Johnson, The Answer ( Allen Iverson) at Pistol Pete ( Pete Maravich), Pati ang mga bida ngayon na sina The Ant ( Anthony Edwards), The Joker ( Nikola Jokic) at The Greek Freak ( Giannis Antetokounmpo).Kayo sumuri at sumagot.Game!



***

Alam nyo bang ang bubungang bahagi ng SM Mall of Asia sa Pasay ay na-convert na sa isang world class na football field?

Ang pambansang koponan natin na mga kababaihan ay may inter-squad na exhibition match dito ngayong araw Ito bale ang culminating activity ng kanilang camp sa MOA Football Pitch.

Inaasahan na magiging malaking bahagi ang lugar sa ibabaw ng shopping mall sa pagpapalaganap ng sport sa bansa.

***



Pinatunayan ni Luka Doncic sa larong Lakers- Nuggets noong Linggo kung bakit isa siya sa itinuturing na top 3 o 5 na player ng NBA ngayon.

Pinangunahan niya ang big victory ng LAL sa karibal sa Western Conference. Dito ay pumuntos siya ng 32, nakarebound ng 10, naka-assist ng 7,nakaagaw ng bola ng 4 na beses at isang daang ngiting pogi..

Sa first half pa lang ay may 19 points na ang bagong star sa Los Angeles.

Malayo yan sa kanyang unang dalawang game bilang bahagi ng purple and gold team.

Tingnan natin kung kaya niya ma-sustain yan lalo na sa next match na vs Dallas, ang koponan na ipinagpalit siya.