Advertisers

Advertisers

Kilalanin mabuti ang suportahan na partylist

0 25

Advertisers

Kapansin-pansin na parami nang parami sa talaan ng Comelec ang tumatakbo sa partylist. Binuo ang partylist upang magkaroon ng representante at boses ang marginalized sector sa Kongreso.

Pero ang tanong, totoo ba na ang pakay ng mga partylist o kumakandidato sa partylist ay para magkaroon ng boses sa Kongreso ang kanilang ipinipresenta? Marahil ang ilan sa mga partylist ay totoo habang may (ilan) ang gusto lang maging isang kongresista.

Parami na nga ang grupo pero kapansin-pansin na marami din sa nominees ay hindi naman kabilang sa marginalized sector – mayayamang negosyante, kabilang sa pamilya ng politika, etc, at ginagamit o sinasamantala lang ang ipinipresentang kabilang sa margizalized sector.



Kahapon, sa “Bakit Kayo Sa Kongreso” Media Forum sa Quezon City, si Retired Philippine National Police, Lt. Gen. Rhodel Sermonia, isa sa nominees o partylist representative sa ilalim ng United Frontliners Partylist, ang bisita sa kaganapan,

Nabanggit ni Sermonia na may mga nananamantala sa pagbuo partylist – mga maimpluwensiya o mayayaman ang nominees.. na kapag pagpalain makalusot, nakalimutan na ang ipinipresentang grupo at sa halip, ginagamit na ang posisyon para sa proteksyon ng kanilang negosyo.

Natanong kay Sermonia kung anong gagawin niyang kontra sa mga ganitong uri ng partylist group kung sakaling pagpalain makapasok ang kanilang partylist.

Pinayuhan at pinaalalahanan ni Sermonia ang mga botante na tiyakin at suriin mabuti ang partylist. Alamin kung sino-sino ay kilalanin ang mga nasa likod ng partylist.

Bagamat, nilinaw ni Sermonia na maganda ang intensyon nang buuin ang partylist system pero sa ngayon marami na’ng mayayaman na sinasamantala ito para sa sariling interes.



“Maraming mapanglinlang na pumapasok sa partylist. Nanamantala at nanlilinlang, lalo na sa ating mga kabataan,” pahayag ni Sermonia.

Ang ibang partylist representatives ay nabibili ng mga maimpluwensiya at mga bilyorayo sa bansa para maprotektahan ang kanilang negosyo.

“Ours is to represent frontliners, the uniformed personnel (PNP, AFP, BFP, BJMP, Coast Guards) along with civilians like the medical sector (doctors, nurses hospital staff) private and public. Pinagsamang mga frontliners, kaya United Frontliners, who give and sacrifices their lives for others,” ani Sermonia, first nominee ng UFP.

Kapag pagpalain ang United Frontliners Partylist, aniya’y titiyakin ng grupo ang matatag at pantay-pantay na implementasyon para sa ano man benepisyo o ayuda para sa mga frontliner.

Marami-rami na ngang masasabing mapaglinlang na partylist…sa una’y lalo na sa panahon ng kampanya, ipinakikita ang kahalagaan ng kanilang ipinipresenta, guwardiya, janitor, OFW, etc,..pero huwag ka. Kapag nakapasok na sa Kongreso, hayun lumalabas na ang katotohanan – astang mayabang na Kongresista, pinoprotektahan na ang negosyo, at mahirap nang lapitan bukod sa kinalimutan na ang tunay na layunin.

Kaya, tama ang payo ni Sermonia sa mga botante — sa darating na halalan ay suriin mabuti ang sususportahan na partylist. Kilalanin mabuti at baka nagbabalatkayo lang ang mga ito.