Advertisers

Advertisers

LIKE FATHER LIKE SON SYNDROME OF GOVERNANCE

0 26

Advertisers

Nagpasaring si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘veering towards a dictatorship’ ang administrasyon
ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging mga paunang pahayag nito sa naging Cebu Indignation Rally nitong Sabado.

Ayon sa dating pangulo, hindi umano niya nakikita na bababa sa kanyang posisyon si PBBM kapag natapos na ang kaniyang termino bilang Pangulo sa 2028 na siyang hinalintulad ng dating Pangulo sa naging panahon ni Marcos Sr. sa ilalim ng Martial Law.

Gaya umano ng kanyang ama, magpapatupad din aniya ng Martial Law si PBBM at malalagay muli sa sigalot ang bansa dahil ipagbabawal umano sa ilalim nito ang eleksyon.



A “Like Father,Like Son syndrome ika nga na sa ngayon pa lang ay maaaninaw at mababakas na ang bulok at namamahong istilo.

Kasunod nito ay nakiusap din ang dating opisyal sa mga kapulisan na gumawa umano ang mga ito ng mga moral na desisyon at huwag lamang basta sumunod. Magbigay din umano ng atensyon ang mga ito at alamin palagi kung ano ang tama at mali.

Samantala, ang naging people’s rally sa Cebu ay hindi lamang bahagi ng pangangampaniya ng partido ni Duterte ngunit direkta din kumukontra at kumukondena sa impeahment ni Vice President Sara Duterte.

Kasabay nito, nagbabala si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte na kung hindi kayang bigyang linaw ng administrasyon ang mga naging deliberasyon sa panukalang budget para sa taong 2025, sasabihan niya umano ang publiko na huwag na magbayad ng buwis.

Ayon pa sa dating pangulo, kung hindi ito kayang bigyan ng eksplenasyon ay sayang umano ang ibinabayad ng publiko lalo kung hindi aniya alam ng mga ito kung saan napupunta ang kani-kanilang mga pera.



Hindi rin aniya tama na iwanang blangko ang ilang bahagi ng panukalang budget dahil hindi umano ito naaayon sa batas ng bansa lalo kung ito ay budget na aprubado ng pinakamataas na opisyal ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Duterte, maaari din aniya itong pag-ugatan ng mga iregularidad lalo kung maaari aniyang pumili ang mga nasa opisina ng halaga na gusto nila na maaari nilang dagdagan bilang reserba.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com