Advertisers

Advertisers

‘BINUBUWENAS’ SI PDU30

0 6,546

Advertisers

ISA sa mga hindi masyadong binigyan pansin ng ating ‘mainstream media’ (MSM) sa mga naging aksyon ni US President Donald Trump matapos makabalik na pangulo ay ang inilabas niyang ‘executive order’ nitong Pebrero 6 na nagbibigay ng ‘sanction’ sa ICC (International Criminal Court).

Hindi tayo nagtataka na “tumanggi” ang MSM na ibalita ito dahil nga, “napaboran” ni Trump hindi lang si Israel PM Benjamin Netanyahu at mga sundalong Kano na gustong imbestigahan at arestuhin ng ICC sa kasong ‘war crimes’ sa Gaza at Afghanistan.

Kasama sa “binuwenas” ay si Pang. Rody Duterte, Sen. Bato dela Rosa at iba pang mga gustong “makalawit” ng ICC at mga korap na NGOs nito sa ‘Pinas dahil naman sa ‘War on Drugs’ ni PDU30.



Ayon kasi sa ‘Section 8’ ng EO, kasama sa mga ‘protected persons’ na hindi puwedeng imbestigahan o “damputin” ng ICC, ayon kay ‘Uncle Sam,’ ay mga ‘citizens’ at mga kasalukuyan at mga dating opisyal ng ano mang bansa na “kaalyado” ng Amerika—katulad ng Pilipinas.

At dahil “pasok” si PDU30 at sina Sen. Bato sa depinisyong ito ni Trump, huwag nang magtaka kung bakit biglang-bigla, hindi na ginagamit ang “nakabantang pag-aresto” ng ICC kay PDU30. Napansin ba ninyo?

Bakit nga ba “ibabalita” ang istoryang “pabor” kay Digong, aber?

Kasama sa utos ni Trump ang pagbabawal sa sino man na makipagtulungan sa ICC at kay ‘Chief Prosecutor Karim Khan.’ Translation? “Tameme” bigla ang sabwatan upang ipakulong si Digong gamit ang ICC.

Nakadagdag din sa “buwenas” ni PDU30 ay ang pagbuwag ni Trump sa USAID at NED na nagsara sa “gripo” ng milyones na pansuhol sa mga NGOs kung saan ‘andami nila sa ‘Pinas—at lahat ay kumikilos upang lalo pang sirain at siraan ang mga Duterte.



Walang balak si Trump na iligtas si PDU30 pero, siya ang napaboran ng ‘unintended consequence’ ng mga naging hakbang ni Trump.

“Buwenas” nga!