Advertisers

Advertisers

NO TAKE POLICY” NG PNP, ITINATARA NINA RICKY, FER AT FYTON SA CENTRAL LUZON!

0 191

Advertisers

Ni Edwin Moreno

DAPAT na sigurong kumilos sina PNP Chief Gen. Rommel Marbil at CIDG-director MGen. Nicolas Torre lll sa kawalanghiyaan itong sina alyas Ricky Sison, Fer at amo nilang si Punyente Bernardo.

Sa mahigpit kasi na direktiba Nina Marbil at Torre ng “No Take Policy” ay tuloy ang koleksyon nina Sison at Fer sa utos ni punyente Bernardo.



Protektado ng mga ito ang nagkalat na pasugalan para sa “TARA o PAYOLA” na ginagamit ang CIDG-Crame, PNP Provincial Office ng Bulacan na pinamumunuan ni Col. Satur Ediong at Provincial Mobile Force Company, gayun sa hepe ng San Miguel Bulacan.

Hindi rin nagpahuli sa kawalanghiyaan si certain “FYTON” na ikinokolekta sa katirbang sugal lupa o pergalan ang mabait na PNP Provincial director ng Tarlac PNP Provincial Office na pinamumunuan ni Col. Miguel Guzman at Tarlac CIDG-PFU.

Ganyan ka walanghiya itong sina Ricky Sison, Fer sa utos ni punyente Bernardo at itong si FYTON, tuloy ang payola ng mga ito sa kabila ng “No Take Policy”.

Bulong ng Kalawit Insider, nag-ikot sa lalawigan ng Bulacan (na teritoryo ni Col. Adiong si Punyente Bernardo kasama ang dalawang amuyong na sina Sison at Fer bago pa man pormal na maupo si Brig. Gen. Jean Fajardo bilang regional director sa naturang rehiyon.

Ang resulta, sandamakmak na pera mula sa mga ilegalista sukdulang takutin para sumuka ng pera gamit ang PNP at CIDG .



Kabilang sa mga opisyal na kaladkad ni Punyente Bernardo sa pananakot para sa kotong si Col. Jorge Buyacao na tumatayong regional commander ng Criminal and Investigation Group Regional Field Unit Commander.

Bulong ng Kalawit Insider natin, sangkot sa kabi-kabilang insidente ng robbery hold-up sa region 3 si Sison na amuyong ni Punyente Bernardo.

Pero sadya yatang walang kabusugan si Punyente kaya naman pati si Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla at Napolcom chief Edilberto Leonardo pinanghihingi din nito ng payola .

But wait there’s more. Pati NBI nasa payola na rin pero ang koleksyon syempre sa kanya lang din.

Hay naku… sa sandaling makarating sa kaalaman ni Gen. Fajardo ang kagaguhan ni Puntente Bernardo pihadong s’wak sa kulungan ang damuho.