Iba pang kaalyado ni Mayor Vico Sotto nagtalunan na at libreng pa-concert ni Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya sa ika-39 anibersaryo ng Napico Mayor Sotto imbitado?
Advertisers
Tila nasa panic stage na sa ngayon itong si Pasig City Mayor Vico Sotto at kaya pala lagi umanong mainit ang ulo nito dahil may pumutok na balita na nagtalunan na rin palabas ng kanyang bakuran ang mga dating tumulong para ito maluklok sa puwesto.
Hindi lang alam ng mga Ka Usapang HAUZ kung ang mga ito ay nahatak na rin nina Brgy. Manggahan Kagawad Bobby Hapin at Ramil Cruz na una nang nagalsa balutan sa poder nitong si mayor Vico Sotto, ang rason ng dalawa ay hindi na nila masikmura ang mga pangakong binitawan ng kanilang iniidolong Alkalde tulad ng Pabahay.
Ayon sa source ng Usapang HAUZ nasa tamang panahon at sila ay lulutang sa mga Pasigueno upang magpakilala at isigaw ang kanilang saloobin sa hindi kaaya-ayang pangako na na halos lahat ay napako.
Nagbigay ng halimbawa ang mga dating kaalyado ni Mayor Sotto kung bakit nila minarapat na umalis sa poder ng alkalde dahil na rin sa hindi maayos na pagpapahayag ng mga proyekto, “may pinalalabas sila na naguumpisa ng itayo ang Santolan Housing project pero nakatengga pa tila iisang poste pa lang ang naitatayo, parang wala pa nga eh” pahayag ng mga kumalas na kaalyado ni Sotto.
Isa pa umano sa nagpapataranta (panic stage )mga Ka Usapang HAUZ kay Mayor, itong biglaang pagangat sa survey ng kaisa isang kalaban nito sa pagka Alkalde ang tinaguriang Ate Sara Discaya na aksiyon agad sa mga nangangailangan ng tulong tulad ng mga biktima ng sunog.
Sabi nga ng mga dalahirang taga Brgy. Manggahan “Maingay na ngayon itong si Mayor Vico panay na ang baba sa mga komunidad nakakaramdam na kasi kaya panic pa more”
Bukod tanging si Pasig City Mayoralty candidate Ate Sara Discaya ang nakaisip na magpa Concert para mabigyan ng isang masaya at hindi malilimutang pagsalubong ang mga taga Ninoy Aquino Pilot Community ( NAPICO) ang ika 39th year ng pagkakatatag ng lugar bukas February 25,2025 sa basketball covered court sa Sampaguita St., corner Lanzones St.,.
Nais ipaalam ni Ate Sara Discaya at Brgy. Manggahan Kagawad Steve De-Asis na tumatakbong City Councilor sa Dist II na ang naturang concert ay libre at walang kaukulang bayad kung saan imbitado ang lahat, pati nga si Mayor Vico?
Dakong 6:00pm mga Ka Usapang HAUZ ang simula ng konsiyerto na pinangungunahan ng king of rap Mr. Andrew E na alam naman nang lahat malaki ang naiambag nito sa pagkapanalo ni PBBM dahil sa husay nitong magpasaya ng tao.
Bukod kay Andrew E kabilang sa magtatampok sa concert sina Tanya Markova, Beandeatha, Taking November, Angkeljay at iba pa, pahabol buti binigyan kayo ng permit?
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036