Advertisers

Advertisers

Rhen di nakaranas ng bashing

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NEVER daw nakaranas si Rhen Escaño ng pambabatikos kahit nag-e-endorso siya ng online gaming.

“Surprisingly, as in walang echos, for the whole year, wala po akong nakitang bashing kahit isa.



“Kahit i-check niyo po yung ano ko, Facebook, Tiktok, Instagram, everytime na nagpo-post ako walang negative comments.

“Why? Because hindi naman po kami mas… parang hindi namin focus yung hinihikayat na, ‘O maglaro kayo, mag-download kayo nito, dito kayo maglagay ng pera niyo, ‘Maglaro ka diyan, laruin ninyo ‘to’, ganyan, hindi po, e.

“Mas more on ano kami, mas more on ang posting namin and yung mga pino-post namin online para maging aware yung mga tao sa CC6, hindi yung mismong mga online games.

“Ang ginagawa namin is nagpapakita kami ng mga videos and photos kung ano yung ginagawa namin every month, kung saan napupunta yung mga pera nila na pinanglalaro nila.

“So para sa akin oo nga naman, parang sa dinami-dami ng mga nag-e-exist na mga online games, casino platforms ngayon, na very easy na ma-reach ng mga tao, saan kayo makakakita na nag-gi-give back or merong good cause, so iyon.



“So I think wala silang masasabi din talaga, parang kahit si Lord malilito, ‘Teka lang’, di ba?

“Parang okay, alam naman natin lahat na… aware naman tayo na hindi naman talaga maganda yung tingin ng karamihan pero…di ba?

“For us ito yung mas importante, iyon yung focus din po namin, so yun, wala, zero, wala pong namba-bash,” pahayag ni Rhen.

May adbokasiya raw kasi ang CC6 Online Casino at FunBingo na “Gaming with a Heart”; namigay sila ng grocery items at mga gamit sa mga biktima ng baha at landslide sa Davao del Norte at Marikina, nag-organisa ng feeding programs sa mahihirap na komunidad sa Makati, Cavite, at Manila; tumulong sa mga batang may kapansanan; sinuportahan ang mga indigenous Aeta students sa Bataan; nagsagawa ng tree planting activities sa Rizal at Antipolo; at dumalaw at tumulong sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso sa Bulacan kung saan doon nagdiwang si Rhen kamakailan ng kanyang kaarawan.

Ginagawa ni Rhen halos linggu-linggo ang mga aktibidad na ito, kasabay pa ang taping niya ng TV series na Lumuhod Ka Sa Lupa ng TV5.

***

HINDI raw gaya-gaya sa “All Of Us Are Dead” ang zombie movie na “Lisik Origin Point” na palabas sa mga sinehan ngayon ayon sa direktor na si John Renz Cahilig.

Sa “Lisik Origin Point” ay naganap ang zombie outbreak sa loob ng isang paaralan tulad din sa hit Korean series sa Netflix na “All Of Us Are Dead”.

Ayon kay direk John…

“Actually coincidences lang po iyon.

“Yung sa “All Of Us Are Dead” po kasi yung teacher dun is very parang, galit siya e,” umpisang paliwanag ni John.

“Parang vengeful siya, e. Kaya his experiment is for revenge.

“Yung sa amin naman po is for the greater good ang plano niya, it’s just went south.

“Tsaka actually I’ve been hearing that comparison for quite a while now kasi…

“So talagang school ang setting namin and besides if you actually watch the movie makikita niyo yung character difference, it’s very different from the character from that series po,” pahayag pa ni John, na unang beses gumawa ng isang full-length film.

Ni-release ng Netflix ang unang season na “All Of Us Are Dead” noong January 28, 2022 na may kabuuang labingdalawang episodes.

Tampok dito ang mga kilalang South Korean stars tulad nina Park Ji-hu, Yoon Chan-young, Cho Yi-hyun, Lomon, Yoo In-soo, Lee Yoo-mi, Kim Byung-chul, Lee Kyu-hyung at Jeon Bae-Soo.

Samantala, ang “Lisik Origin Point” ay mula sa executive producer na si Dominic Orjalo ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix.