Advertisers
ISUSULONG ng pamahalaan ang pagpapa-disbar sa mga abogadong sangkot sa Demanda scheme.
Ito ang mga abogadong naghahain ng frivolous cases o walang saysay na kaso sa mga dayuhang sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO para mapigilan o ma-delay ang deportation ng mga dawit na banyaga.
Sa Malacañang briefing, inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Danna Sandoval na malaki ang inaalok sa mga kakuntsabang abogado kapalit ng pagsasampa ng walang saysay na kaso sa isang sangkot sa POGO.
Karaniwang asunto aniya na sinasampa ay Violence Against Women at Estafa.
Dahil dito, sinabi ni Sandoval na hahabulin ng Department of Justice na makasuhan at ma-disbar ang mga sangkot sa Demanda scheme.