Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
VIRAL ngayon ang video ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco na kilala sa tawag na BarDa.
Sa naturang video kasi na in-upload ng Sparkle,ang talent management ng GMA 7, tinanong ng dalawa ang isa’t isa kung ‘Crush ka ba ng crush mo?’
Unang nagtanong si David kay Barbie na sumagot ng, “Hindi, e.”
Nang si Barbie naman ang nagtanong kay David, sumagot ito ng, “Sana.”
Hirit na reaksyon ni Barbie, “Hindi mo sure?’
“Sayang. Tayo na lang kaya?” nakakalokang sey pa ng dalaga.
Sagot naman ni David, “Sige.”
Bigla namang tumingin sa camera ang ex-girlfriend ni Jak Roberto at nandilat ang mga mata na tila nawindang sa sagot ng kanyang screen partner.
Marami ang kinilig na mga faney ng BarDa sa sagutan na yun ng dalawa. Pero meron din naman ang hindi.
Narito ang ilang comments tungkol sa naturang video ng BarDa.
“Hindi aq basher pero bilang babae parang my IBA Kay Barbie pag dating Kay David, d namn sya ganyan SA Mga nauna Nyang love team.”
“Hahaha kababaeng tao masyadong binababa sarili masyado Ng inaalok ung sarili niya.”
“O eh di ba ipinipilit nyo na yan ang dahilan ng mga break up nila, ngayon naman made up? Ano ba talaga?
“Ginawa ata nya yun para di na niya pinoproblema kung may nagseselos ba habang pinapanood siya sa TV.”
“Kong gaano ka katigas Ky Jak ganun ka kalambot Ky David.”
“Halatang malandi ehhh.”
***
NAMIMILI lang pala ng babatiin ang isang young actor.
After kasi ng mediacon ni young actor ay tinawag siya ng isang press para sana interbyuhin ng one-on-one.
Pero si young actor, tiningnan niya lang yung press at hindi huminto. Hindi niya kasi ito kilala
Pero nung may isang press din ang tumawag sa young actor ay huminto ito at nilapitan yung press. Kilala niya kasi ‘yung press.
So, pag hindi kilala ay dedma lang si young actor?
Sabi ng aming source,siguradong alam ni young actor na press yung tumawag sa kanya.
Ang nasa mediacon lang kasi ay si young actor, handler niya, at mga press.
Masama tuloy ang loob nung press sa pangdededma sa kanya ni young actor.