Advertisers

Advertisers

May-December love affair… Claudine at pamangkin ni Rico, may chemistry

0 8

Advertisers

Ni Archie Liao

MAY baguhang ipinakikilala ang isang kilalang talent management agency.

Ito ay ang pamangkin ng yumaong matinee idol na si Rico Yan na si Alfy.



Actually, deadringer siya ng namayapang aktor na naging ex ni Claudine Barretto.

Sa kanyang pagpirma ng kontrata, kasama niya si Clau na todo suporta sa desisyon niyang pumasok sa showbiz.

Una siyang napansin noong 2020 matapos mag-viral ang kanyang mga litrato na tila kamukha ng kanyang tiyuhin.

Gayunpaman, dahil 15 years old pa lamang noon, pinili niyang magpokus muna sa kanyang studies at sa kanyang passion which is baseball.

Ngayon, sa edad na 19, handa na siyang sumabak sa showbiz bilang commercial model at brand endorser.



Pero hindi naman nalalayo na pasukin na rin niya ang pag-arte lalo na’t nasa dugo naman niya ang pagiging artista.

Take note na binigyan pa siya ni Clau ng relo na huling regalo niya kay Rico na huling Pasko na magkasama sila.

Sa isa namang portal, samu’t sari ang naging reaksyon sa sighting nina Claudine at ng nephew ni Rico na si Alfy sa contract signing ng huli.

Ito ang ilan sa mga komento ng kibitzers.

“My God. Deadringer talaga siya ni Rico. Parang nabuhay si Rico.”

“Actually, bagay sila ni Clau.”

“Yeah, puwede silang gawan ng May-December love affair story.”

“Oo nga. Mabubuhay na naman ang kafaneyan nina Rico at Clau.”

“Ang tanong, namana rin ba niya ang acting talent ni Koriks.”

“Magbubunyi ang kafaneyan ng RYCB.”

“Para talaga siyang nabuhay na Rico Yan.”

“Sana magkaroon sila ng movie ni Clau.”

“Sana di lang poor copy si Alfy ni Rico at may ibubugang talent.”

“I believe with Claudine around, he’s in good hands. Puwede siyang ma-train bilang magaling na dramatic actor.”

***

Gazini, banta sa tambalang HyGab

SA isang interview, hindi ikinaila ng beauty queen na si Gazini Ganados na close friends sila ng Viva hunk actor na si Gab Lagman.

Katunayan, nasa stage raw sila ng ‘getting to know each other.’

Hirit pa niya, ayaw daw nilang madaliin ang proseso kung saan patutungo ang kanilang friendship.

Dahil dito, nauurot ang Miss Universe Philippines 2019 na posibleng may ‘something’ na sa dalawa.

Sey naman ng ibang nagmamaldita, hindi raw bagay sina Gazini at Gab dahil mukha silang mag-ate.

Hirit pa ng kibitzers, banta raw si Gazini sa tandem ng HyGab nina Hyacinth Callado at Gab Lagman.

Matatandang naging hot ang tambalang HyGab nang ipakilala sila ng Viva Films sa “The University Series” kung saan nakitaan agad sila ng pambihirang chemistry.

Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens sa namumuo umanong love triangle sa tatlo.

“Di ko gets kung bakit may shini-ship sila eh, mukha silang mag-ate.”

“Tignan mo post ni Gazini sa instagram halos lahat na liked si Kuya mo. And madalas spotted sila offcam since last year pa. Hahaha”

“sila naman kasi in real life, epal lang yung fans nung ka loveteam ni Gab na toxic at demanding.”