Advertisers
Nahuli si Mayor Marcy na minumura at pinagbabantaan ang mga doktor sa Marikina City Health Office.
Base sa isang audio recording, sinabi ni Mayor Marcy Teodoro na palagi raw walang supply ng libreng gamot sa mga City Health Center dahil inuuwi raw ito ng mga doktor para sa kanilang mga private clinic. Ganun?
Pagkatapos nito, minura niya ang mga doktor at tinawag silang “walang kwenta” at “nakakahiya”. Dagdag pa niya, papalitan daw ang kalahati sa kanila kapag nanalo ang kandidato nila ng partido nila para sa mayor, si Congresswoman Maan Teodoro.
Si Congw. Maan ang misis ni Mayor Marcy na tumatakbo para sa pagka-alkalde ng Marikina.
Kasalukuyang nagaganap ang medical caravan na programa ni Congw. Maan, na nag-e-employ ng ilang doktor mula sa City Health Office ng Marikina City.
Pinabulaanan ang mga salita ni Mayor Marcy ng mga doktor at medical health professionals. Ayon sa isang doktor ng City Health Office na nais manatiling anonymous, “Binawasan na nga ang pondo ng gamot para sa health centers from 80 million to 5 million pesos, sana hindi niya sisihin ang mga doktor sa kakulangan ng gamot. Twenty lang kami na doktor na nagseserbisyo sa buong Marikina City with a population of 450,000”.
Dagdag ng ilang doktor mula sa Marikina, hindi talaga makatarungan ang ganitong pagtrato sa kanilang mga kapwa doktor: “Matapos po ang pagsasakripisyo para sa bayan noong pandemya, ganito na po ang pagtrato sa amin ni Mayor. Hindi naman tama iyon. We ask the Philippine Medical Association and our fellow doctors to hold Mayor Marcy accountable.”
Say n’yo Marikina sa asal ng inyong mayor?
Oo nga pala, grabe naman itong mag-asawang Teodoro noh? Pagkatapos ni mister si misis naman ang papalit sa puwesto. Tks tsk tsk… Hindi ba ang tawag dito ay kasakiman na, mga pare’t mare?
***
Ilang retired justices ng Korte Suprema ang tumutuligsa sa inaasal ngayon ni Senate Presidente “Chiz” Escudero hinggil sa hindi niya pag-aksyon sa impeachment laban kay VP Sara na iniakyat ng Kamara sa Senado bago pa mag-adjourn ang huli few weeks ago.
Sabi ni retired Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna: “They (Senate) still exist even though they are in recess. They can still be commanded by the Constitution to do something other than law-making, and impeachment is like that”.
Ganito rin ang pahayag ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio. Dapat aniyang aksiyunan agad ng Senado ang iniakyat ng Kamara na impeachment laban kay VP Sara.
Matatandaan na sinabi ni Escudero na wala nang time para isagawa ang impeachment trial laban kay VP Sara dahil kalahati ng mga senador ay nangangampanya na para sa may 12 election.
Ang balik ng session ng Senado ay sa Hunyo 2 pa.
Kung kayo ang tatanungin: Tama bang dedmahin nalang ni Senate President Chiz Escudero ang impeachment laban kay VP Sara na sa kanila nang tanggapan?