Advertisers

Advertisers

Titser, 2 pa tiklo sa P204k shabu

0 11

Advertisers

Kulong ang isang guro at dalawang iba pa na pawang mga nasa high value individual na tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Consolacion, Cebu, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasakote na sina Jedeestel Pernito, 50-anyos, isang guro; Clint Cuyos Gersale, 25; at Jerom Casipong Nuevo, 23.

Sa ulat, 12:00 ng hatinggabi ng masakote ang mga suspek sa Brgy. Poblacion Occidental ng nasabing bayan.



Sa pinagsamang operasyon ng mga tauhan ng Municipal Drugs Enforcement Unit at mga ahente Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)RO7, sinabing nakipag-deal ang mga suspek sa isang undercover agent ng pulisya na bibili ng shabu.

Inaresto ang mga suspek sa aktong iniaabot ang droga sa poseur buyer ng pulisya.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Eunil Avergonzado, hepe ng Consolacion Municipal Police Station (MPS), nakumpiska mula sa mga suspek ang 12 pakete ng shabu na tumitimbang ng 30 gramo at kabuuang P204,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">