Advertisers

Advertisers

Perpetual wagi vs San Beda sa NCAA volleyball

0 4

Advertisers

SINIMULAN ng defending champion University of Perpetual Help ang kanilang kampanya sa NCAA Season 100 men’s volleyball 25-22, 31-29, 25-23 wagi laban sa San Beda University sa San Sebastian College-Recoletos gym sa Manila Sabado.

Pinamunuan ni Kobe Brian Tabuga ang opensa ng Altas sa iniskor na 16 points,kabilang ang 14 attacks,habang si skipper Jefferson Marapoc nagdagdag ng 15 points at 15 excellent receptions sa 80- minutong aksyon.

KC Andrade nagdagdag ng nine points,kabilang ang three blocks,habang si Hezron Rai Manaloto at Kirth Patrick Rosos bumakas ng eight at six points, ayon sa pagkakasunod.



“So far, they did their very best just to secure our first win, most especially in the part which became dangerous for us. But our willingness to win prevailed,” Wika ni coach Michael Cariño sa interview.

Axel Van Book pinamunuan ang Red Lions sa iniskor na 16 points; Anrie Bakil may 12 points, kabilang ang three blocks; at Mark Kevin nagdagdag ng 10 points, nine mula sa attacks.

Alener Greg Munsing at Ralph Cabalsa nagdagdag ng nine at eight points, ayon sa pagkakasunod.

“They are more competitive this season, not just because of height, but due to their talent and experience,”anya.

Sa women’s division, Dinomina ang Perpetual ang San Beda,25-18, 28-26, 25-16.



Shaila Allaine Omipon umiskor ng 16 points, habang si Winnie Bedana at Camille Bustamante nag-ambag ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa panig ng San Beda,Angel Mae Jabacon umiskor ng 10 points, Rianne Margaret Bedural may eight, at Chynna Castillo 7.