Advertisers
Nasawi ang driver ng isang pick-up truck sa ambush sa Barangay Kilada sa Matalam sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Linggo, February 3, 2025.
Kinilala ang nasawi ng mga lokal na kinauukulan na Joseph Ferdinand Gimenez na kawani ng Matalam local government unit.
Sa inisyal na pahayag ng mga barangay officials sa naturang lugar, nawalan ng control ang biktima ng kanyang sasakyan sanhi ng mga tama ng bala kaya ito lumihis sa gilid ng highway at doon na ito nalagutan ng hininga.
Inaantabayanan pa ang ulat ng Matalam Municipal Police Station hinggil sa insidente.