Advertisers
ILAN beses ding nakadaupang- palad ng inyong kakorner si Atty.Vic Rodriguez partikular noong wala pa siya sa larangan ng politika.
Madalas ko siyang kakapihan noon sa may Tomas Morato sa Kyusi with sports patron Perry Mariano ng Timog.
Isa siyang soft spoken fine gentleman pero super -matalas pagdating sa batas ang pagu-usapan.
Di ko na siya naka-kapihan muli noong napasok na siya sa mundo ng pulitika at naging abala sa pagdepensa sa apela ni losing vice presidential candidate BBM ilan taon na ang nakaraan.
Hanggang maging pangunahing tagasuporta ni presidential candidate Bongbong Marcos noong 2022.
Di birong hirap ang puhunan ni Atty.Vic noong kampanya nationwide dahil siya ang main man ng Uniteam noon.
Mayorya ng Pilipino ay alam ang sakripisyo ni Atty.Rodriguez sa gruelling campaign noon kaya isa siya dahilan kung bakit milya ang kanilang agwat kontra kalabang pinklawan at komunista.
Landslide ang BBM -Sara Uniteam.
Hindi man hiningi ay ninombrahan nì PBBM si Atty.Vic bilang kanyang executive secretary.
Sa pag-upo sa trono ni Marcos Jr., ilang araw pa lng ng hanimun ay nagkaroon na ng power tripping sa Palasyo. Naging siga ang mga kamag-anak, may tumitimon nang wala namang mandato mula sa tao at ang pinsan ay naging hari sa HoR.
Ang dating matikas na Pangulo ay nasusuway ang desisyon lalo sa paglalagay ng tao sa kanyang pamahalaan.
Kilala ni AVR kung sino ang qualified o hindi kaya tinututulan niya ang mga ineendorso ng kamaganak at ang bata-bata system na nangyayari.
Sa halip ay si Atty.Vic pa ang naging casualty.ang taong hindi nang-iwan kay BoFgbòg thru thick and thin. Ang matindi, lahat nang malapit sa kanya ay damay at sibak sa puwestong ilang araw pa lang nilang inupuan.
Hawa-hawa na pati sa istasyon ng brodkast na tanging nage-ere ng kanilang kampanya.
Hinimay ang SMNI!
Sa madali’t sabi ay naipwesto ang mga taong buwitre na kumampi lang nung mananalo na ang BBM -Sara tandem.
Nahawi ang mga mabubuti pero walang anuman kay presidente.
Ngayon ang isang soft spoken gentleman from QC ay isa nang maisug na mandirigma sa political arena at very vocal na sa paghahayag ng kahinaan ng dating kaibigan.
Marami siyang alas at ang huling baraha ay pagdating ng sandali ng katotohanan sa Mayo 12, 2025.V for Victory.
Ang kanyang pagka-etsapuwera ng dating kaibigan ay magre-resulta tiya7 nang pagiging Senador niya ng Republika upang sa Pilipino siya tunay na maglilingkod at never na aniya sa isang Marcos na di marunong lumingon sa kasaysayan.
Deserving si Atty.Vic Rodriguez na mapabilang sa 20th August Chamber ng Mataas na Kapulungan keysa naman sa mga lumang mukha,retaso, komedyante, supremo at balimbing sa plenaryo. Si ATTY.VIC RODRIGUEZ..DA BEST!
Para sa reaksyon #09451935742.