Advertisers
Tunay ngang anggara ngayon ang liderato sa DEPARTMENT OF EDUCATION dahil naipadarama ang pagmamalasakit sa mga kawani ni
EDUCATION SECRETARY JUAN EDGARDO “SONNY” ANGARA kumpara sa nakaraang administrasyon ng naturang ahensiya.
Nitong nagdaang araw ay nakamit ng DEPARTMENT OF EDUCATION NATIONAL EMPLOYEES UNION (DepEdNEU) ang itinuturing na makasaysayang COLLECTIVE NEGOTIATION AGREEMENT INCENTIVE (CNAI).
“Under the leadership of DepEd Secretary Sonny Angara, we have secured a significant Collective Negotiation Agreement Incentive (CNAI) amounting to ?10,000 for each DepEd NEU member, and ?8,000 for non-members.., this remarkable breakthrough is a testament to the collaborative efforts of our union and the DepEd management. As DepEd NEU President, I am committed to upholding the rights and welfare of our members, pahayag ni DepEdNEU PRESIDENT ATTY. DOMINGO ALIDON.
Ang pagkakaapruba ng CNAI ay alinsunod sa panuntunan ng DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) na naglalayong mapasulong ang EMPLOYEE WELFARE at mapahalagahan ang dedikasyon at pagsisigasig sa trabaho ng mga NON-TEACHING PERSONNEL.
“We would like to extend our sincerest gratitude to Sec. Sonny Angara for his unwavering support and commitment to the welfare of DepEd employees. His leadership and vision have been instrumental in making this historic CNAI a reality. We are truly grateful for his dedication to promoting the well-being of our members,” pagpupunto ni ATTY. ALIDON.
Ang resulta ng CNAI ay malaking katulungan sa mga NON-TEACHING PERSONNEL ng DEPED lalo na ang mga nasa malalayong lugar o mga probinsiya na umaasiste sa iba pang gampanin sa ahensiya ng edukasyon.., ika nga, ang karagdagang insentibo ay makapagpapasigla at magiging produktibo pa ang pagtatrabaho ng mga rank-and-file employees ng DEPED.
“We look forward to continued collaboration with the DepEd management to ensure the welfare and well-being of our members. We believe that this achievement is a significant step towards promoting quality public service and recognizing the hard work and dedication of our employees,” saad ni ATTY. ALIDON.
Ang malasakit ni EDUCATION SEC. ANGARA ay patunay sa pagpapahalaga nito hindi lamang sa kapakanan ng mga empleyado kundi maging ang pondo ng kanilang ahensiya ay binubusisi nito sa tamang paggagamitan.., tulad na lamang sa pagbusisi nito sa mga kuwestiyonableng “VOUCHER” para sa SENIOR HIGH SCHOOL na multi-milyong piso ang nagamit sa “GHOST STUDENTS”.., na dapat lamang matunton ni SEC. ANGARA kung sino-sino ang komopo sa pondo ng SENIOR HIGH SCHOOL VOUCHER PROGRAM na dapat ay nagamit sana sa milyon-milyong mga mag-aaral para matapos nila ang HIGH SCHOOL at makapag-enroll sa COLLEGE ang mga mahihirap na mga estudyante.
Mga ka-ARYA.., ang liderato ngayon ni SEC. ANGARA ay nagpapakita ng malasakit sa mga kawani at pagpapahalaga sa wastong paggamit ng pondo.., na indikasyong anumang katiwalian lalo na ang CORRUPTION ay hindi kukonsintihin at hindi marapat na manatiling kawani sa kasalukuyang DEPED ADMINISTRATION!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com
para sa inyo pong mga panig.