Advertisers
TODAS sa salpukan ng 2 motorsiklo ang tatlo katao kabilang ang SK Chairman ng Teresa kahapon sa Morong Rizal.
Sa ulat ng Rizal PNP, kinilala ang mga nasawi na sina Barangay San Gabriel SK Chairman Patrick Abuyan San Miguel at back rider nitong si Marquis Evan Macarulay.
Nasawi din sa aksidente si King Cyrus Capuz, na back rider ni Domingo Rigunay Jr. drayber ng Honda Click na ginagamot sa Amang Rodriguez Ospital sa Marikina .
Ayon sa ulat nangyari ang aksidente dakong alas-12 ng madaling araw sa Brgy. CCL, Sitio Libis, National Road sa bayan ng Morong.
Minamaneho umano ni Patrick ang Yamaha Aerox motorsiklo patungo sa bayan ng Baras, habang ang Honda Click n minamaneho ni Rigunay, mula Baras patungong Morong Rizal.
Tinangka umanong mag-overtake ni Rigunay sa mga sasakyan, na nagresulta ng head-on collision sa Yamaha Aerox.
Dead on arrival sa Rizal Provincial Hospital System si San Miguel, habang ang back rider nito ay ideneklarang dead on arrival sa Duavit Memorial Hospital sa Binangonan.
Namatay din sa ospital si Capuz na backrider ni Rigunay at kapwa durog naman ang motorsiklo ng mga ito. (Edwin Moreno)