Kailangan ng Tondo, totoong Congressman, ‘ di kandidatong may ‘wang-wang’, bodyguards, illegal gambling – Manny Lopez
Advertisers
ANG makasaysayang distrito ng Tondo ay kailangan ng totoong Congressman ‘di kandidato na may ‘wangwang (siren)’ escort motorcycle cops , may ‘zero morality’ at illegal gambling business.
Ito ang idineklara ni Manny Lopez, comebacking Congressman sa first district of Tondo, at sinabi na, tulad ni Mayor Honey Lacuna, ang Asenso Manileno standard bearer kung saan siya tumatakbo, wala aniya siyang maiaalok kundi honest, good and genuine public service kasabay ng kanyang pagpapahayag ng kanyang kumpiyansa sa kanyang mga nagawa sa dalawang termino niya mula 2016 hanggang 2022 ang magsasalita na para sa kanya.
Sa kanyang pagsasalita sa monthly “MACHRA Balitaan” forum ng Manila City Hall Reporters’ Association na ginawa sa Harbor View, Ermita, Manila, sinabi ni Lopez na :
“Sa aking pananaw at pag-iisip, buong-buo ang tiwala ko na ang sina Mayor Honey at Vice Mayor Yul Servo ang tunay na makapagbibigay ng serbisyong tapat at totoo,” at binanggit din nito ang fiscal management capability ng lady mayor sa paghawak nito ng higanteng suliranin na dala ng P17.8 billion na utang na iniwan ni ex-Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa para sa mamamayan ng lungsod habang unti-unting magbabayad ng utang ni Moreno.
SI Lopez, ay kasamang nag-akda ng mga batas sa Congress kabilang ang mga probisyon sa 4Ps, Universal Health Care Actd at ang Senior Citizens Act, at walang ibang first district Congressman na naupo ang makakapantay sa kanyang nagawa, ito ay maliban pa sa kanyang mga naipatayong barangay halls, sports complexes at barangay health centers.
“Di po tayo kagaya ng aking katunggali na ang unang official act ay ang pagpapagiba ng district office at ngayon ay laging ay hagad at wangwang kapag nagpupunta sa distrito. Bakit? Angat ka ba sa iba? ‘Yun naman pong isa ko pang katunggali ay alam ng lahat na ang negosyo ay e-sabong at naka-armored car kapag nagpupunta ng Tondo,” sabi ni ni Lopez na kahit ‘di man banggitin ang kanyang mga makakalaban, alam ng tao na makakatapat niya ang incumbent na si Ernix Dionisio at isang nagngangalang Joseph Lumbad.
Sa kasalukuyan ang first district ng Tondo ay isa sa mga pinakamalaking allocations sa Congress, gayundin ang laki ng pera na dinadala ng illegal gambling dito.Nalulungkot si Lopez dahil sa maagang panahon pa lamang ang kanyang mga karibal ay naglulustay na ng salap sa kanilang malawakang vote-buying na tila ‘for sale’ na ang mga tao sa Tondo.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Lopez na ‘di niya masisikmura ang mamili ng boto dahil sandali lang aniya ang pakinabang ng pera ‘di katulad ng epekto ng mga programa at proyekto ‘nung nasa Congress pa siya dahil ito ay permanente at panghabang buhay na para rin sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Tondo.
“On the day of reckoning, taas-noo po tayo dahil ang atin pong ibibigay ay serbisyong tapat at totoo. Hindi po budol o sugarol,” dagdag ni Lopez. (ANDI GARCIA)