Advertisers

Advertisers

ARA AT ATE SARAH KAPIT-KAMAY SA PAGSUSUNONG SA KARAPATAN NG KABABAIHAN AT PAGTULONG SA PWD

0 18

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

ALAM ni Sarah Discaya o Ate Sarah na pader ang babanggain niya sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo. Si Mayor Vico Sotto kasi ang makakalaban niya pero hindi ito nakapigil para ituloy ang adbokasya niya kaya itinuloy ang pagsabak kahit wala pang karanasan sa pulitika.

Sa tulong na rin ng may karanasan na sa pagtakbong si Ara Mina na kandidata sa pagka-konsehal ay lumakas ang loob ni Ate Sarah na ituloy ang kandidatura niya sa paghimok na rin ng aktres.



Ang kapwa nila adbokasya ni Ara ay ilaban ang karapatan ng mga kababaihan.

Naniniwala ang dalawa na dapat ay may economic power ang mga kababaihan. Nais nilang pondohan ang mga negosyo na gustong simulan ng mga nanay na kailangan ng tulong. Bibigyan din nila ng regular na ayuda, training sa negosyo at mga bagong kasanayan na pwedeng pagkakitaan sa mga Pasigueno.

Kasama rin sa kanilang nais iimplementa ay ang health care para sa lahat. Nais nilang makapagpatayo ng hospital para sa mga Pasiguenos nang libre. Gusto rin nilang palakasin ang maternity at pediatric care sa Pasig.

Gayundin ang para sa PWD sector na mabigyan ng kasanayan at job opportunities. Nais nilang pondohan ang mga negosyong gusto nilang pasukin.

Mahalaga kina Ara at Ate Sarah ang pangangalaga sa mga batang may special needs kaya magtatayo sila ng special centers para sa kanila.



Pasok din sa kanila ang Smart City na plano ng Team Kaya This na ang layunin ay para matiyak na konektado ang mga Pasigueno sa mga serbisyo ng LGU.

Tsika nga ni Ate Sarah na kaya anya itong ibigay ng Pasig.

Ang inihahandog daw ng Team Kaya This ay isang pamahalaang may malinaw na plano para sa ngayon at sa hinaharap.