Advertisers
IPINAG-UTOS ng Commission on Elections (Comelec) sa mga organisasyon o indibidwal na nagsasagawa ng surveys na may kaugnayan sa halalan na magrehistro sa kanila bago maglabas ng resulta.
Nakasaad sa Resolution 1117 na tanging ang pre-registered entities lamang ang otorisadong magsagawa at magpakalat ng mga election surveys.
Bibigyan aniya sila ng 15 na magparehistro ang mga ito sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng Commission bago ang kanilang pagsasagawa ng surveys.
Tiniyak naman ng COMELEC na kanilang mabibigyan ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa nasabing kautusan.