Advertisers

Advertisers

Distrito Kuwatro nabiyayaan 2000 trabaho – Konsi Bong Marzan

0 7

Advertisers

DALAWANG LIBONG trabaho ang lumapag sa Distrito Kuwatro para sa kapakinabangan ng mga unemployed na mga residente ng Sampaloc.

Nabatid kay Konsi Bong Marzan, Asenso Manileño candidate for Councilor sa nasa bing distrito na ang nasabing bilang ng job vacancies ay bahagi ng job fair na inilunsad ng city government’s” Kalinga sa Maynila PESO job Fair/City Hall on the Go”

Sinabi pa ni Marzan na ang ‘Kalinga sa Maynila PESO Job Fair ay ibinaba sa tatlong barangay sa Sampaloc noong February 19, 2025.



Sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama ang Asenso Manileño candidates for Councilor na sina Director Bong Marzan, Dra. Dianne Nieto, Councilor Science Reyes, Freddie Bucad, Roy Bacani at Christian Floriendo Lacuna at Congressional candidate Dr. Giselle Maceda ay tumulong at nagbigay ng assistance sa mga residente na nag-apply ng trabaho, gayundin ng mga libreng serbisyo na bahagi ng “Kalinga sa Maynila City Hall on the Go.’

Ang nasabing job fair ay pinamahalaan ng city government’s Public Employment Service Office sa pamumuno ni Fernan Bermejo at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region and the DOLE- NCR Manila Field Office.

Mismong ang lady mayor at mga miyembro ng Asenso Manileño family ay sumaksi sa pagbubukas ng job fair kung saan 2000 trabaho ang nakalatag para sa mga naghahanap ng trabaho na mga taga-Sampaloc. Dakong 8 a.m. nagsimula ang job fair at tumagal hanggang 12 ng tanghali na ginawa sa panulukan ng P. Florentino at Cristobal Streets , Sampaloc, Manila.

Sinabi ni Marzan na naobserbahan niya halos lahat ng mga applicants na handang handa sa nasabing job fair dahil ang mga ito ay nakasuot ng casual na kasuotan, may ready ng 10 kopya ng resumes at may mga dalang extra ballpens. Kapuna-puna din ayon pa kay Marzan ang istroktong pagsunod ng mga aplikante sa sa existing public health protocols.

Ang nasabing job fair na ginawa sa Barangay 472 sa ilalim ni Ch. Francisco Bonifacio Jr ay open din sa mga residente ng katabi at kalapit na Barangays at ito ay kasabay din ng iba pang aktibidades na may kaugnayan sa mga probisyon tulad ng mga libreng pangunahing serbisyo na karaniwan ng sinasadya sa mismong City Hall.



Ang iba pang libreng serbisyo na naipagkaloob sa mga taga- Sampaloc dumalo sa Kalinga sa Maynila’ City Hall on the Go maliban pa sa job fair ay ang sumusunod: OVR payment; processing/renewal of PWD, solo parent and senior citizen IDs; free medical check-up and laboratory examination; pet vaccination; birth certificate concerns, TESDA training and free dental services, reading glasses, medicines, massage and haircut, among others.

Ayon pa kay Marzan, mayroon ng direktiba mula kay Mayor Honey si Bermejo na gawing dalawang beses isang linggo PESO job fairs upang matiyak na may trabahong mailalatag sa mga residenteng naghahanap ng mapapasukan. (ANDI GARCIA)