Advertisers

Advertisers

‘Panic mode’ na si VP Sara sa impeachment, at tuloy ang BSKE ‘25

0 2,164

Advertisers

ANG pagpapasaklolo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa Korte Suprema ay senyales na nasa panic mode na siya sa pagka-impeach sa kanya ng mga kongresista.

At malaki ang takot niyang mahatulan siya ng ‘guilty’ oras na nagpatawag ng pagdinig ang Senate Impeachment Court.

Ang pinakamatinding kinatatakutan dito ni VP Sara, pati ng kanyang ama na si dating Pangulong Digong at kanyang mga utol na sina Congressman Pulong at Mayor Baste, ay ang maungkat ang kanilang bank accounts na isinapubliko noon ni dating Senador Antonio Trillanes na umano’y drug money at galing sa POGO ang bilyones na laman. Araguy!!!



Sa anim na Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ang isa rito ay naging batayan sa pagpatalsik sa mga nakaraang Ombudsman at Chief Justices.

Ito ay ang Unexplained Wealth and Failure to Disclose Assets o Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Opo! Sa SALN napatalsik ang impeachable officials na sina Ombudsman Merceditas Gutierrez at sina late Supreme Chief Justice Renato Corona at Lourdes Sereno.

Matatandaan na ibinunyag ni Trillanes ang pagkakaroon ng maraming bank accounts ng mag-aamang Duterte na naglalaman ng bilyones na galing diumano sa operasyon ng mga iligal na POGO, droga at smuggling.

Ang expose na ito ni Trillanes ay naging rason ng pagsibak kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang matapos kumpirmahin ng huli na tunay ang bank accounts ng mag-aamang Duterte na ibinilad ng dating senador sa publiko.



Pero ang naturang expose ni Trillanes ay dinedma ng Kongreso dahil hawak na noon ni Duterte ang majority ng Senador at kongresista.

Sa bawat pagkakataon na banggitin ni Trillanes ang naturang bank accounts ng mag-aamang Duterte ay nagwawala si Digong. Nagbanta ang dating pangulo na sampahan ng Libelo ang dating senador pero hindi rin nito ginawa kasi mabubuksan lang ang kanilang bank history.

Balikan natin ang lima pang impeachment articles laban kay VP Sara. Ito ay ang: Conspiracy to Assassinate President Marcos, First Lady, and Speaker Romualdez; Malversation of P612.5 million in Confidential Funds; Bribery and Corruption in DepEd; Involvement in Extrajudicial Killings (Davao Death Squad); at Destabilization, Insurrection, and Public Disorder.

Itong conspiracy to assassinate the president ay ginawa ito ni VP Sara sa kanyang vlog. Matibay na ebidensdiya ito dahil may video.

Ang malversation ng P612.5 million confi funds ay nabunyag sa House Quad Comm investigation kungsaan hindi sinipot ni VP Sara.

Ang bribery and corruption ay mismong mga staff ni VP Sara ang nagsiwalat sa House Quad Comm. investigation.

Ang involvement sa extrajudicial killings ni VP Sara ay mismong mga dating opisyal ng PNP at mga dating hitmen ng DDS ang nagbunyag nito sa Quad Comm.

At ang destabilization, insurrection at public disorder ay sa bibig mismo ni VP Sara nanggaling ang mga ebidensiya nang mawagan siya sa publiko na mag-aklas laban kay PBBM.

Sa kasalukuyan ay tinutulugan ng Senado ang impeachment vs VP Sara. Naka-recess ang mga senador. Pero mukhang mapipilitang magpatawag ng special session dahil narin sa panawagan ng publiko na simulan na ang impeachment vs VP Sara. Subaybayan!

***

Ipinahayag ng Comelec na tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Disyembre 2025.

Ayon sa liderato ng Comelec, nagtalaga na sila ng commissioner na maghahanda para sa BSKE