Advertisers
UMISKOR si Payton Pritchard ng 28 points off the bench at Jayson Tatum nagrehistro ng triple-double upang tulungan ang Boston Celtics sa 124-104 road victory laban sa Philadelphia 76ers Huwebes ng gabi.
Nagawa ni Pritchard ang walo sa kanyang team’s 24 3-pointers, para tulungan ang Boston sa kanilang seventh straight game sa TD Garden at fourth in a row overall. Ang Celtics ay nag-improved sa league-best 23-6 on the road na si Tatum ay nagtapos ng 15 points,11 rebounds at 10 assists.
Jaylen Brown (20 points), Kristaps Porzingis (17) at Derrick White (16 points, 10 rebounds) gumawa rin ng solidong kuntribusyon para sa defending champs. Jrue Holiday na bumalik matapos pumalya sa nakaraang apat na games dahil sa shoulder ailment, nagdagdag ng eight points sa 20 minutong aksyon.
Paul George umiskor ng 17 points upang pangunahan ang Philadelphia, na natalo ng anim na beses in a row. Tyrese Maxey (16 points), Kelly Oubre Jr. (16) at Joel Embiid (15) ay kabilang sa iba pang top scorers para sa Sixers.