Advertisers

Advertisers

PASAY LGU,HUGAS- KAMAY SA MGA NAHULING POGO HUBS SA KANILANG AOR

0 32

Advertisers

Nilinaw ng pamahalaang lungsod ng Pasay na wala itong inisyung anumang business permit sa mga sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub.

Sa isang statement, sinabi ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na ang kamakailang sinalakay na POGO facilities ay palihim na nago-operate at sa mga tagong lugar at hindi nago-operate sa ilalim ng anumang business license na inisyu ng Pasay City.

Nilinaw din ng alkalde na sumailalim sa mabusising pagsusuri ang lahat ng inisyung business permits ng lokal na pamahalaan sa mahigit 13,000 establishimento ngayong taon.



Aniya, 100% suportado ng lungsod ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mawaksan ang mga iligal na operasyon ng POGO sa bansa at hindi nila kukunsintihin ang mga iligal na aktibidad sa kanilang hurisdiksiyon.

Ginawa ng lokal na opisyal ang paglilinaw kasunod ng umano’y iresponsableng mga pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio may kinalaman sa mga iligal na operasyon ng POGO sa Pasay City na hindi makatarungang nakadungis sa reputasyon ng city officials.

Subalit iginiit naman ng alkalde na nagpapatupad na ang Pasay LGU ng striktong mga hakbang para matigil ang POGO operations sa kanilang nasasakupan.

Kabilang ang pinaigting na monitoring, mahigpit na regulatory enforcement at walang patid na kooperasyon sa national law enforcement agencies.

Nagbabala din ito na sinumang mapapatunayang lumalabag sa batas ay papanagutin.



Sa huli, nanindigan si Mayor Rubiano sa zero-tolerance policy sa POGO operations at hindi papayagan ang POGOs sa kanilang siyudad.

Di pala alam ni Mayora Emi na matagal nang nakalungga at namamahay sa kanyang lungsod ang mga POGO HUBS na ito.

Ibig sabihin nyan,may malaking problema sa ” intel network” ng alkalde or either may ahas sa loob mismo ng Pasay City Hall na sinadyang “bulagin” ang mahal nating si Mayora Emi Calixto– Rubiano!

Wala rin bang Intel info ang lokal na kapulisan ng Pasay o ang mga barangay officials ng siyudad patungkol sa presence ng POGO sa kanilang areas?

Pamangkin ni Mayora Emi ang ABC president at Konsehal na si Prince Calixto,di ba ito naaamoy man lang ni Konsi Prince?

Eh ang congressional office ni Cong.Tony Calixto,wala ding bang impormasyon sa presensiya ng POGO sa Pasay?

Kung lahat walang alam, dalawang bagay lang ‘yan, nagmamalatuba silang lahat sa kanilang tungkulin or nagbubulag- bulagan at bagbibingi-bingihan dahil ubod ng ” taba” ang pakinabang?

Nagtatanong lang po!

Samantala,for PAOCC naman, alam nyo ba na ang mga

hinahabol nyong mga POGO ay tahimik nang nailipat at nakalatag nang prenteng- prente sa Cagayan?

Marami sa mga Pinoy na empleyado nito mula Metro Manila at iba pang lalawigan ay nag- mass exodus na sa probinsiya ng mga Enrile sa binansagang Solid North na balwarte naman ng mga Marcos..

Legal nang masasabi ang operasyon ng mga gambling/scam hubs na ito dahil sanction at under na sila ng PagCor bilang Philippine Inland Gaming Operators (PIGO).

From POGO to PIGO!

Anak na teteng naman,naglolokohan ba tayo!

Matindi ang crackdown sa POGO pero pino- promote naman ng gobyerno ang PIGO!

Ginagamit ang resources ng pamahalaan para hulihin ang mga kakumpitensiya sa negosyo?

‘Yun ba ang logic dun?

Isang maimpluwensiya umanong Madam at mga kamag-anak nito dyan sa Malacanang ang nasa likod ng katarantaduhang ito.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com