Advertisers

Advertisers

Takbong mayor na estapador pinaaaresto

0 26

Advertisers

IPINAAARESTO ng Las Piñas Metropolitan Trial Court ang isang kumakandidatong mayor sa Cataingan, Masbate City sa kasong estafa at paglabag sa kondisyon ng kanyang probation.

Kinilala ng Metropolitan Trial Court Branch 121 Las Piñas City ang akusado na si Ricardo Legaspi Yanson, na nahaharap sa kasong Estafa na isinampa ni Joji Nakashita.

Noong Pebrero 19, 2025, naghain si Yanson ng motion for reconsideration na humihingi ng paborableng desisyon mula sa Korte sa utos ng Metropolitan Trial Court Branch 121 Las Piñas City na may petsang Pebrero 6, 2025 na nagpapawalang-bisa sa probation warrant ngunit nabigo ito.



Naglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Yanson nang mabigong bayaran ng P491,000 ang kanyang complainant na may six percent annual interest na ipinag-utos ng korte.

Dahil dito, hiniling ng complainant sa korte na ipawalang bisa ang probation ni Yanson kasabay ng pag-alok ng P100,00 na pabuya madakip ito.

Samantala, habang wala pang desisyon ang Commission on Elections (Comelec) sa kandidatura ni Yanson, ibinasura na ni Las Piñas City MTC Presiding Judge Teodoro S. Carbonera ang inihaing mosyon ni Yanson na nagsasabing hindi niya alam na bawal sa isang parolado na tumakbo sa halalan.