Advertisers
INARESTO ang isang pulis ng kanyang mga kabaro sa loob mismo ng presinto nang ireklamo ng pangingikil ng isang negosyante sa Calamba City, Laguna.
Kinilala ang naaresto na si PMSg Wilmar Dula, 35-anyos, nakatalaga sa Tanauan City Police Station at residente sa Barangay Looc, Calamba City.
Ayon sa ulat, ikinasa ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at District Special Operation Unit (DSOU) ang entrapment operation laban sa suspek sa harap ng isang restaurant sa Real Road sa Calamba City 11:00 ng gabi noong Martes dahil sa reklamo ng isang negosyante.
Matapos tanggapin ng suspek ang P14,000 na marked money mula sa complainant sa loob ng kanyang sasakyan, lumapit na ang mga pulis para dakpin ito.
Nang aarestuhin na ang suspek, tumakas ito at muntik pang masagasaan ang mga operatiba.
Humantong ang habulan sa Calamba police station at doon na ito inaresto, dinis-armahan at kinumpiska ang perang ginamit sa operasyon.
Inihahanda ang kasong Robbery Extortion, Resisting Arrest at paglabag sa Republic Act 10591 kaugnay sa Omnibus Election Code laban sa suspek.
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.