Advertisers
Patong-patong na kaso ang isinampa laban sa 29-anyos na babae na matapos maaresto sa kasong hit-and-run at makakapkapan pa ng kush na nagpakilalang pulis at may koneksyon kay Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen Rommel Francisco Marbil noong Martes.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Acting Director, P/Col. Melecio Buslig, Jr., ang suspek na si Keith Valdez Bagtas alyas Keith Bagtas Doumbia, 29, naaresto habang nakasuot pa ng PNP athletic uniform at nagpakilalang pulis at sinabing may koneksyon sa PNP Chief.
Sa inisyal na imbestigasyon, 9:20 ng umaga noong Martes, Pebrero 18, nabangga ng Toyota Avanza na minamaneho ng suspek ang Mitsubishi Xpander ng complainant sa EDSA Northbound.
Agad na rumesponde ang isang MMDA officer ngunit mabilis na pinaharurot ng suspek ang kanilang sasakyan at binalewala ang pulang traffic light.
At 3:05 ng hapon nitong Martes din, naaresto ang suspek sa harap ng BPSO Office, Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City, nang muling masangkot sa aksidente sa LTO 20th Avenue Branch.
Habang nasa kustodiya ng barangay hall, sinaktan umano ng suspek ang isang lalaking estudyante at pinagbantaan pa ang kasama nitong babaeng estudyante, dahilan upang arestuhin ito.
Sa body search, nakuha sa suspek ang isang vape na naglalaman ng cannabis flower oil, at isang gramo ng kush marijuana na hindi bababa sa P1,400.