Advertisers
TALIWAS sa nauna niyang pahayag, kinumpirma ni outgoing Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez na si Jay Ruiz na ang susunod na kalihim ng ahensya.
Sa katunayan, ayon kay Chavez, nakipag-usap na siya kay Ruiz bilang paghahanda sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan.
Aniya, ipapakilala niya si Ruiz sa PCO Mancom sa Lunes, Pebrero 24, upang simulan ang isang linggong transisyon.
Sa pamamagitan nito, ayon kay Chavez, magiging mas madali at maayos ang pag-upo ni Ruiz bilang bagong PCO Secretary pagsapit ng Marso 1.
Naniniwala si Chavez na dapat maging modelo ang ganitong sistema ng maayos at planadong pagpapalit ng liderato sa iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga ito. (Gilbert Perdez)