Advertisers

Advertisers

4 Pulis tumutoma habang naka-duty, sibak

0 33

Advertisers

Sinibak sa puwesto ang apat na pulis nang maaktuhang nag-iinuman ng alak habang naka-duty sa loob ng Intelligence DEU PAC 5 ng San Pedro City Police Station sa Barangay Nueva, siyudad ng San Pedro, Laguna noong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang apat na pulis na sina PMSG Ronie Carino y Carlos, 40-anyos, miyembro ng Intel/DEU operative; PMSG Jeroel Juamis y Bulan, 39-anyos, Custodial Officer; PSSG Arnel Sanque y Manaig, 51-anyos, Intel/DEU operative; at PSSG Brian Gandez y Gonzales, 35-anyos, Intel/DEU operative.

Sa report ng San Pedro PNP, 10:37 ng gabi nang magsimulang mag-ikot at magsagawa ng sorpresang inspeksyon ng Laguna Acting Provincial Director Col Ricardo Dalmacia sa mga tanggapan ng pulisya sa San Pedro City nang maaktuhan nito na nag-iinuman ang apat na pulis habang naka-duty 12:30 ng madaling araw sa loob mismo ng Public Assistance (PAC).



Agad pinasibak sa puwesto ni Dalmacia ang apat na pulis at inilagay sa Admin and Holding Office ng San Pedro Component City Police Station at isinailalalim din ang mga ito sa physical medical examination at alcohol breath kung saan nakuha sa kanilang posesyon ang mga alak na kanilang iniinom.

Nakatakdang sampahan at nahaharap sa mga kasong irregularity in the Performance of Duty at Administrative ang apat na pulis PNCOs.