Advertisers

Advertisers

Tv exec, bf, at anak huli sa P7.1m shabu

0 17

Advertisers

Timbog ang writer at producer ng isang giant TV network, kasama ang kaniyang boyfriend na dating nurse at anak nito nang makumpiskahan ng nasa P1.7 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Duljo Fatima, Cebu City noong Martes.

Kinilala ang mga naareto na sina alyas Henry, 51- anyos; girlfriend na si Mary Ann, na umano’y writer/ producer ng kilalang TV network, 48-anyos; at ang anak ng una na si Vinz, 31-anyos, pawang mga residente sa Barangay Duljo Fatima.

Sa report ng Cebu City Police Station 11, ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa kahabaan ng P. Fatima St., sa Barangay Duljo 3:40 nang madaling araw matapos ang isang linggong surveillance at intelligence gathering sa aktibidad ng mga ito.



Isang pulis ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek at nang magkaabutan ng pera at droga ay agad na dinakma si Henry na itinuturing na high value target, kasama ang GF na si Mary Ann at anak na si Vinz na nandoon din sa lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 252 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,734,000.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng Mambaling Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.