Advertisers

Advertisers

Pekeng leader ng tribal group, kulong sa kotong

0 9

Advertisers

Inaresto ng mg elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang bogus leader tribal group at ilang mga miyembro na nangingikil sa mga establismento sa isinagawang operation sa Surigoa City Huwebes ng umaga.



Kinilala ang inaresto si Jorge Corpuz Santisas alias Datu Adlaw, nagpapakilanag lider ng Federal Tribal Group of the Philippine (FTGP). Kabilang din sa mga inaresto ang mga miyembro na kinabibilangan ng 17 kalalakihan, 3 babae, 9 na bata, 1 Senior Citizen.

Ayon kay MGen Nicolas Torre 111, Dir CIDG, 6:00 ng umaga nang isinagawa amg operation ng pinagsanib na elemento ng CIDG Regional Field Unit 13, Surigao Del Norte PFU, PNP Special Action Force, Surigao City Police Station, 1st and 2nd PMFC, Surigao Del Norte, Surigao Del Norte at City Social Welfare and Development (CSWD), Surigao del Norte sa Purok 5, Brgy Sabang, Surigao City, Surigao Del Norte.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Usurpation of Authority na ipinalabas ni by Hon Maureen B. Feliza- Chua Acting Presiding Judge of Municipal Trial Court in Cities, Branch 2, Surigao City, Surigao del Norte nitong Feb 18, 2025.

Nabatid na sinampahan ng reklamo ang Groupo ni Adlaw ng alarm and scandal nang ipad-locked ang ilang mga establimesto mula sa mga inaangking na “ancestral land” na hindi nakapagbabayad sa kanilang grupo.

Pinagkalooban naman Korte ng piyansa P 30,000.00 ang bawat isang akusado para sa kanilang pangsamantalang kalayaan.

Samantala sinabi naman ng National Commission on Indigenous People (NCIP) na ang FTGP na hindi umano rehistrado bilang indigenous people organization

Nasa kustodiya ng CIDG Surigao del Norte ang mga naaresto at nakatakdang iharap sa korte naglabas ng warrant of arrest. (Mark Obleada)