Advertisers

Advertisers

Ex-cop na ‘wanted’, nakipagbarilan sa kabaro nang aarestuhin

0 12

Advertisers

Nauwi sa engkuwentro sa Caloocan ang gagawing pag-aresto ng mga pulis sa isa nilang dating kabaro na suspek sa pamamaril at pagpatay sa Cavite na nangyari noong Araw ng mga Puso.

Sa report, dating pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘di pa pinangalanan suspek na natanggal sa trabaho noong 2019.

Sa ulat, nagawa pa ng suspek na makasakay sa kaniyang kotse at umuwi para kumuha pa umano ng mga armas.

Pero dito na siya nasukol ng mga awtoridad at tuluyang naaresto ng buhay.

“Meron tayong narekober na isang ingram, isang 9mm, isang replica ng m16 at isang granada,” ayon kay Police General Paul Kenneth Lucas, Police Region 4A Director, tungkol sa mga armas na nakuha sa bahay ng suspek.

Noong Araw ng mga Puso, may binaril umano ang suspek sa Tanza, Cavite na ikinasawi ng isang biktima, at ikinasugat ng isa pa.

Sa isinagawang backtracking ng mga awtoridad sa mga CCTV footage, natunton ang suspek sa Caloocan, at isinagawa ang operasyon para siya arestuhin.

Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon na sangkot siya sa pamamaril, at sinabing nasa biyahe siya nang mangyari ang krimen noong February 14.

Bukod sa kasong murder, mahaharap ang suspek sa paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa kaniyang mga baril.(Beth Samson)