Advertisers
Makalipas ang isang linggo na surveillance ng mga pulis nadakip ang top 1 most wanted person sa bayan ng Marilao, Bulacan.
Sa report ni PBGEN Jean S Fajardo, kinilala ang suspek na si Niño San Felipe Y Padel, 29-anyos, binata ng ng Brgy, Poblacion 2, sa nabangit na bayan.
Inaresto si alyas Niño sa bisa ng Warrant of Arrest na may cc.no.269-M-2025 sa kasong Homicide.
Na inilabas ni Branch 121 Third Judicial Region RTC presiding judge Hon. Elenita N.E. Macatangay-Alviar, na may kaukulang piyansa na P120,000 libong piso.(Thony D. Arcenal)