Advertisers
NANATILING perpek ang Far Eastern University sa two games ng UAAP Season 87 men’s volleyball tournament.
Inukit ng Tamaraws ang sweep laban sa University of the Philippines, 25-21, 25-16, 21-18, Miyerkules ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Pinamunuan ni Dryx Saavedra ang opinsiba ng Morayta-based squad sa iniskor na 13 points,12 attacks at block,habang si Mikko Espartero nagtala ng 10 markers, nine mula sa attacks, at one block.
“Nung off-season kasi, naging motivation lahat ng pinagdaanan namin. Yung maturity yung natutunan namin sa mga kuya namin, at yun yung ina-apply namin ngayon,” Wika ni Saavedra pagkatapos ng game.
Samantala, pinamunuan ni Olayemi Raheem ang opensa ng UP sa iniskor na 16 markers, lahat mula sa attack points para sa Maroons na nalaglag sa 1-1.
Ang Fighing Maroons ay nakatoun na makaganti sa Linggo kapag nakaharap ang Ateneo de Manila University sa parehong Pasay bayside venue.