Advertisers
Ni Oggie Medina
KAHIT na nandito ako sa Estados Unidos ay hindi ko nakalilimutan si Senador Jinggoy Estrada (asawa ni Precy Vitug-Ejercito, kamag-anak namin sa Vitug side) na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Pebrero 17.
Ganoon din siya sa akin. Noong maliit pa ako (taga-San Juan ako at dito lumaki) ay madalas akong tulungan ni Dona Mary Ejercito, ina ni dating Pangulong Joseph Estrada at lola ni Senador Jinggoy. Madalas akong maglaro noong paslit pa ako malapit sa bahay ni Dona Mary.
Kahit nasa malayo ako ay nagpahatid ako ng pagbati sa kanyang kaarawan at tinanong ko siya kung ano ang tatlong wishes niya sa kanyang kaarawan.
“Good health especially for my parents. Enact more bills that can help our marginalized sector of our society. To have a REAL UNITED country,” ang kanyang tugon sa aking tanong.
Sana nga naman magkaroon ng tunay na pagkakaisa sa ating bayan.