Advertisers
SINISI ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang ginawang pagtatakip ng nakaraang administrasyon sa tunay na sitwasyon sa West Philippine Sea, dahilan para isipin na payapa ang lahat sa naturang karagatan.
Aniya, napaniwala ang mga Pilipino na maayos na nakontrol ng dating administrasyon ang sitwasyon sa WPS dahil tatlong insidente lang ng panggigipit ang naiulat mula 2016 hanggang 2022.
Bukod pa ito sa naratibo na matagumpay ang diplomatic efforts ng dating administrasyon na nakumbinsi umano ang China para malayang makapangisda doon ang mga Pilipino.
“The limited reporting of these incidents, combined with the narrative that the former President’s diplomatic efforts had successfully convinced Xi Jinping to allow our fishermen to operate freely, contributed to the false sense of security among the Filipino people regarding the West Philippine Sea,” ani Tarriela.
Kaya, aniya, malaking bagay ang paglulunsad ng transparency initiative para masawata ang fake news tungkol sa usapin ng agawan sa teritoryo.
At maipakita sa ibang mga bansa ang ginagawang aggression ng China at ang paglabag nito sa international law.