Advertisers

Advertisers

HD Spikers winalis ang Chargers para maangkin ang No. 3 seed

0 5

Advertisers

WINALIS ng Cignal ang Akari,25-17, 25-15, 25-21, Martes para maangkin ang No.3 seed sa knockout phase ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Vanessa Gandler nagdiliver ng 15 points habang si Roselyn Doria-Aquino nagdagdag ng 12 points, kabilang ang three kill blocks, para makamit ang Best Player of the Game honors, at gumulong ang HD Spikers sa kanilang third win sa Philsports Arena sa Pasig City.

“We’re extremely happy because this was our target from the start –to hopefully claim the No. 3 spot,” Wika ni Cignal head coach Shaq Delos Santos pagkatapos ng isang oras at 26-minutong aksyon.



Cignal,na taglay ang 8-3 rekord at 25 points, ay makakatagpo ang No.10 seed-either Galeries Tower, Nxled or Capital1, lahat may sporting rekords na 1-9 sa knockout round, kung saan ang mananalo ay susulong sa best-of-three quarterfinals.

Rookie sensation Ishie Lalongisip, na umiskor ng career-high 20 points on 18 attacks at two aces sa Cignal’s 25-18, 25-22, 21-25, 25-11 victory laban sa ZUS Coffee nakaraang Linggo, bumakas ng 10 points,kabilang ang two aces.

Jacqueline Acuña may eight points habang si Gel Cayuna gumawa ng 19 excellent sets at five points para sa HD Spikers, na pinoste ang kanilang pinakamalaking lead na 22-15 sa third set.

“Our biggest advantage is the unwavering commitment of our players. Even though we only have a 12-member roster, we’ve been able to maximize each player’s skills to the fullest,” tugon ni Delos Santos.

Faith Janine Nisperos pinamunuan ang Akari sa iniskor na 12 points,Ivy Keith Lacsina nagdagdag ng 5 points, habang si Mereophe Sharma, Celine Eliza Domingo at Christine Joy Soyud nag-ambag ng tig-4 na puntos.