5th AQ Prime Standard Open chess tournament… GOOD GARMA KAY IM CHITO
Advertisers
TINALO ni International Master Chito Danilo Garma si Lennon Hart Salgados sa ikaanim at huling round para angkinin ang kampeonato sa katatapos lang na 5th AQ Prime Standard Open chess tournament niton weekend sa Robinson Metro East sa Pasig City.
Nanaig ang taga-Sampaloc, Maynila na si Garma matapos ang 53 galaw ng bihirang gumamit ng Budapest defense gamit ang black pieces. Tinapos ni Garma ang 2 araw na FIDE Standard Open chess tournament na punong abala si Atty Aldwin Alegre na may perpektong 6.0 puntos.
Kaya naman, ibinulsa ni Garma, ang reigning Portugal World Senior blitz champion ang pinakamataas na premyo na P10,000 at isang tropeo para sa kanyang pagsisikap.
Tinalo din ni Garma, isang dating University of Manila standout, sina Kara Meneses, Andrew San Antonio, Michael Gastala, Phil Martin Casiguran at Alexis Emil Maribao, ayon sa pagkakabanggit.
“I’m so happy right now. My family and my friends who supported me this weekend were such a huge impact. They helped me win. I love them all. And I love AQ Prime for making this event”,” sabi ng 60-anyos na si Garma na may hawak nang dalawang Grandmaster norms.
Tinalo ni Kevin Mirano si Karlycris Clarito Jr. sa huling round para umiskor ng 5.5 puntos para sa solo 2nd place. Si Mirano, miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team ay tumatanggap ng P7,000 at isang tropeo.
Ang ikatlo hanggang 10th placers ay sina Maribao (5.0),Salgados (5.0), IM Barlo Nadera (5.0), Jerico Santiaguel (5.0), Jerish John Velarde (5.0), Christian Tolosa (5.0), Clarito (4.5) at Janmyl Dilan Tisado (4.5), ayon sa pagkakasunod.
Si Edwin Caballero ay nanalo sa kategoryang Top Senior 55 years old and above.
Ang nasabing chess fest ay umakit ng 126 woodpushers.
Ang tournament director ay si IA/FST/FA Rudy Listana Ibañez. (Danny Simon)