Advertisers
Magandang hapon po. Kami po mga retired PNP ay humihingi po ng inyong tulong para maiparating kay Pangulo Rody Duterte at Chief PNP Debold Sinas ang ginagawa sa amin ng Police PRBS sa Crame. Marami na po sa amin ang me Saklay at naka-wheelchair na ang di nakakuha ng aming Pension na kakarampot nalang para pambili ng aming Gamot at Pamasko sana ng aming mga “APO”. Subalit kami po ay di nakakuha dahil kailangan daw po namin mag -update na naman ng aming status kung buhay o patay na kami at kailangan magpalista at kumuha ka sa Police Station na sakop ka kahit naka Saklay at Wheelchair kana, tapos punta ka Crame sa PRBS para submit mo yon. At ang iyong Pension na dapat di nila pakialam, di nila ito pa-release agad, sa January naraw. Paano po yon mga kasama namin na kailangan ng Gamot. At isa pa yon me Pamilya na kailangan pangbayad sa bahay at mag-Pasko pa wala sila magagamit pambili pagkain. Sana naman po 3 to 5 days Release na nila Pension para magamit po, mahal na Pangulo Duterte at Chief PNP Sinas. Maawa na po kayo sa aming mga Ret. PNP. Umaasa po kami na bago mag-Pasko makuha na po namin ang amin pong Pension. Salamat po. God Be With You po!! – RET. PNP
Feel ang panukalang batas ni Senador Pacquiao
Good news po para samen mga taga barangay kung maipa2sa, maisabatas ang Senate Bill 1956 Brgy. Offc’l Salary Standardization Act of 2020. Malaking 2long po sa 2lad ko na brgy tanod pag naisabatas po yun. Brgy ang unang rumeresponde bago sa kapulisan at korte pag may mase2lan na kaso. Ngaun palang, maraming salamat Sen. Pacquiao. – Brgy. Tanod