Advertisers

Advertisers

18,692 estudyante mula PLM/UdM tatanggap na ng P2K bawat isa para sa kanilang allowances – Mayor Honey

0 12

Advertisers

MAY kabuuang 18,692 college students mula sa dalawang city-run universities sa Maynila ay makakatanggap na ng P2,000 bawat isa na kumakatawan sa dalawang buwan na monetary assistance mula sa local government, matapos na ipag-utos ni Mayor Honey Lacuna ang paglabas ng pondo para sa nasabing pakay.

Nabatid na ang halaga, ay kumakatawan sa P1,000 monthly financial assistance na ibinibigay ng lungsod sa mga b university students na sakop ang buwan ng November at December 2024.

“Ang maliit na tulong na ito ay isang patunay ng ating buong suporta sa ating mga mag-aaral para makatulong at makapagtapos sila sa kolehiyo,” saad ni Mayor Honey Lacuna.



Sa kabuuang bilang ng mga estudyanteng beneficiaries ng nasabing monetary asisstance, sinabi ni Lacuna na 8,200 ay mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Manila na maaari ng kunin ang pera sa pamamagitan ng kanilang debit card accounts.

Sinabi ni Universidad de Manila (UdM) President Dr. Felma Carlos-Tria na ang UdM, na may 10,492 estudyante ay tatanggap na ng kanilang monthly financial assistance mula sa lungsod dahil inaayos na ang proseso ng payout nito.

Sinabi ni Tria na ‘di katulad sa t PLM na ang allowance ay downloaded, ang allowances ng UdM students’ ay nire-release sa pamamagitan ng payouts, kung saan ang petsa ay ini- schedule.

Sinabi ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay inaayos na ang pagkakaroon ng debit cards ng mga estudyante ng UdM ” for security reasons and for financial inclusion purposes consistent with policies of the Bangko Sentral ng Pilipinas.”

Ang probisyon para sa buwanang allowances ng mga college students ay bahagi ng social amelioration program (SAP) na nilikha at ipinasa noong si Lacuna pa ang Presiding Officer Manila City Council, isang posisyon na kanyang hinawakan noong siya pa ang Vice Mayor. (ANDI GARCIA)