Advertisers
Iminungkahi ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Lorenzo “Larry” Gadon kay Vice President Sara Duterte na magbitiw na lamang sa pwesto sa halip na hintayin ang resulta ng impeachment trial.
“I suggest that VP Sara Duterte resign and not wait for the impeachment trial to proceed. She needs to resign so that she can still run in 2028 for presidential elections,” pahayag ni Gadon.
Subalit may iba pa rin pahiwatig si Gadon sa Pangalawang Pangulo, kung bakit nais niya itong pagbitiwin sa pwesto.
“Nanawagan ako kay Vice President Sara Duterte na mag-resign na lang. Sapagkat hayag na hayag na ang kanyang mga violations. Paano mo i-explain yun Mary Grace Piatos na naka-received ng P25 million ‘intelligence fund’? Eh yun taong yun eh nacertify na ng Philippine Statistic Office na non-existing,” Gadon explained.
“Saan napunta pera?,” tanong pa ni Gadon.
“I want her to run because I want to embarrass the Dutertes that they no longer have the votes,” dagdag pa niya.
Binanggit din ni Gadon ang isang unverified survey na nagpapakitang may maliit na tsansa lamang na manalo si Duterte sa pagka-pangulo noong 2022, kung kaya’t pinili na lamang nitong tumakbo bilang bise presidente.
“Gustong gusto ko siyang tumakbo, because gusto ko siyang mapahiya dahil wala naman talaga siyang boto,” sabi ni Gadon.
“They just keep claiming that they’re number one and so on. But actually, no. Duterte has no votes. Their votes are not enough to send a president to Malacañang,” sinabi pa ni Gadon.