Advertisers

Advertisers

Claros kinapos sa World Cadets

0 215

Advertisers

NALASAP ni April Joy Claros ng Pilipinas ang 0-2 kabiguan sa quarterfinal rival na si Laysa Latifah ng Indonesia kung saan ang last Filipino standing ay nasipa sa kontensiyon sa FIDE Online World Cadets and Youth Rapid Chess Championships Girls 14 under Finals, madaling araw ng Lunes, December 21, 2020.
Ang eleventh seeded na si Latifah na tangan ang Elo rating 1897 ay binigo si 14th seeded Claros (Elo 1459) sa first match ng kanilang rapid play at kinakailangan lang ng tabla sa second match para maka usad sa next round.
Sa second match ng kanilang rapid play ay nabigo ang Angeles City, Pampanga pride na si Claros na ma convert ang winning position kung saan ay naka survived si Latifah.
Na-checkmate si Claros sa 59 pushes ng King’s Indian defense.
Sa pag-exit ni Claro ay na kumpleto ang wipeout ng 2 Pinoys sa prestigious tourney.
Nitong madaling araw ng Linggo, December 20, 2020, ay natalo si International Master elect Michael “Jako” Concio Jr. (Elo 2297) kay Renjie Huang (Elo 2422) ng China, 0-2, habang panalo si Claros kay Woman Candidate Master (WCM) Martyna Starosta (Elo 2094) ng Poland sa kanilang Armageddon game tungo sa pag-tapak sa quarterfinals.
Si Claros ay isa sa top players ng star-studded Grandmaster Jayson Gonzales Far Eastern University chess team habang si Concio ay isa sa prize fighter ng Dasmarinas Chess Academy.
(Marlon Bernardino)