Advertisers

Advertisers

Vi & Lucky Tandem, Sobrang Lakas At Ryan Christian Malakas Ang Karisma; Boy Abunda Nag-enjoy Sa Kuala Lumpur, Wagi Ng Dalawang Awards

0 66

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

DAPAT nang kabahan ang mga kalaban ng Vi & Lucky Tandem sa Lipa, Batangas. Sa aming na-witness nang isa kami sa maimbitahan sa mediacon ng Barako Festival 2025 na organized by Sir John Bryan Diamante and his Team Talino at Puso, nakita namin kung gaano kamahal ng mga Batangueños sina Ate Vi at Luis “Lucky” Manzano.

At iba rin naman ang karisma ng tumatakbong Congressman para sa 6th District of Batangas na si Ryan Christian Santos-Recto na hahangaan mo hindi lang sa ganda ng PR kundi may talino talaga na namana niya kina Ate Vi at daddy Secretary of Finance na si Sen. Cong Ralph Recto. Naku, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko para sa minamahal kong sina.Ate Vi at Luis, may tulog talaga ang mga kalaban ng mag-ina for Governor and Vice Governor of Lipa City, Batangas. Kung track record kasi ang pag-uusapan mula sa pagiging kauna-unahang babaeng Mayor ng Lipa hanggang sa maging gobernador ay napaunlad talaga ng isang Vilma Santos ang bayan ng Lipa.



At dahil sa kanya ay sumikat ang bayan na ito sa Batangas. Inuuna kasi ni Ate Vi ang serbisyo sa mga minamahal niyang mga Batangueño. At kahit na noong maging Congresswoman siya ay naging priority pa rin niya sa kanyang mga proyekto ang Lipa. At dahil sa tunay at tapat na serbisyo sa mga constituents ay nabigyan ng Pinakamataas na Parangal si Ate Vi na “LINGKOD BAYAN AWARD.”

At ngayon sa pagtakbo uling Gobernador ng Lipa, Batangas, ipagpapatuloy ni Ate Vi kung ano ang mga nasimulan niya noon. “Ibabalik ko ang aking H.E.A.R.T.S. Program para mabigyan ng focus ang basic needs.” At kung ano ang ibig sabihin ng HEARTS? “H stands for Health, E for Education and Environment, A for Agriculture (para higit na matulungan ang mga farmer), R for Road and Infrastructure, T for Tourism and Technology and S for Security and Social Services,” say pa ng Star for All Seasons na mahal na mahal ng entertainment media. At patuloy pa nito, “At kung magagawa ito, with all the help of bawat leader ng bawat bayan I think kahit kahit paano ay makararamdam kami ng progress pa sa amin pong lalawigan.”

Para naman sa paulit-ulit na ibinabato sa kanilang pamilya ng mga mapanira at intrigera kasama na ng mga kalaban na Political Dynasty, ayaw ng entertainen pa ni Ate Vi ang tanong na ito. Kasi kung para sa kabutihan ng mga mamamayan mo ang iyong ginagawa ay wala kang dapat ipaliwanag pa.

Sabi nga ni Ms. Dolly Anne Carvajal, malapit na kaibigan ni Ate Vi. “They would rather be called a united team/family than a dynasty. Rightfully so because their hearts are in the right place. Ang puso ng mga Recto at Manzano ay totoong nasa Batangueño.”

Very well said Dolly. Ipinagtanggol din si Ate Vi ng kanyang mga kaalyado sa 2025 Midterm Election. Samantala, kung may H.E.A.R.T.S. na isusulong at ipatutupad muli na mga proyekto si Ate Vi, ang ka-tandem naman nitong si Luis ay may may maganda at kapakipakinabang din na plataporma mula sa palayaw o acronym niyang L.U.C.K.Y. “L is for Livelihood para sa mga Batangueños, U is for University scholarships-uunahin natin yan at pararamihin pa ang bongga mas maraming makakapag-aral ng libre.



Dagdag pa ni Luis sa ibig sabihin ng kanyang mga plataporma. “C is for Cash Assistance sa mga PWD, Seniors, Barangay Functionaries, K is for Kabataan at Kalusugan and Y naman is, “You come first. Para yan sa bawat Batangueño.”

Sabi pa ni Luis na ang ganda ng ngiti sa lahat. So kung matalino kang botante ay mag-iisip ka na ng ibang tandem? Si Ryan Christian naman na bunso nina Ate Vi at Ralph, walang duda na sa batang edad nito ay magagawa niyang mapagserbisyuhan ang mga Lipeños. Matalino siya at may puso sa maliliit tulad ng kanyang Mommy Vi. Last Feb. 13 ay pinangunahan pala nina Ate Vi, Luis at Ryan Christian ang Inauguration ng Manila-Batangas Bypass Road at Motorcade kung saan walang sawang kinawayan ni Ate Vi ang mga minamahal niyang mga Batangueño. Yan ang isang mapupuri mo sa Queen Star for All Seasons, never siyang pinagbago ng kanyang kasikatan. By the way, umabot sa halos kalahating milyon ang crowd sa Main Concert ng Barako Festival.

Ibig sabihin nito, pinakamatagumpay na event sa bayan ng Lipa, Batangas at maraming natulungang maliliit na negosyante na may kaniya-kanyang stall. Ang nasabing festival ay tatlong taon nang suportado ni Ate Vi at Sen & Cong Ralph Recto. Also, San Miguel Corporation, Angkas, at various local business at mga stakeholder.

***

BUKOD sa tumanggap ng International Award sa SouthEast Asia Awards sa Kuala, Lumpur, Malaysia ang Nag-iisang “Asia’s King of Talk” na si Kuya Boy Abunda na hinirang na “TOP TV HOST” for his talk show in GMA 7 na FAST TALK WITH BOY ABUNDA.

Na-enjoy pa ni Kuya Boy ang ilang araw na bakasyon niya sa nasabing bansa. In all fairness, hindi lang ang kababayan natin at nakakakilala kay Kuya Boy sikat din siya sa mga Malaysian na inestima siya sa pagbisita niya rito. Iniaalay ni Kuya Boy ang kanyang award sa GMA Network at lahat ng kanyang mga manonood sa Fast Talk, also sa kanyang My Mother, My Story at sa viewers nila sa “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA.”

Infairness, umabot na sa 64K at road to 70K na ang followers ng Public Service and Entertainment Show nilang ito sa kanilang official FB Page. At kamakailan lang ay pinagkaguluhan sina Kuya Boy at magkapatid na Senators Ate Pia at kuya Allan Peter Cayetano sa Hong Kong nang mag-taping o shoot sila roon para sa ilang episode ng kanilang programa, na mapanonood sa GMA 7 every Sunday at 11:00 PM at may replay ito sa GTV every Saturday at 10:30 PM naman.

Tumanggap din ng award si Kuya Boy sa 2024 TAG AWARDS Chicago. Pinarangalan siyang “BEST CELEBRITY TALK SHOW HOST” para sa kanyang Fast Talk na year 2 na at patuloy ang pananagumpay sa mataas na rating!