Advertisers

Advertisers

LANTARANG SUGAL SA TRAM PLAZA BALIGABO SANTA ROSA, LAGUNA PROTEKTADO UMANO NG ILANG PULIS OPISYAL?

0 29

Advertisers

KINALAMPAG ng iba’t ibang sektor at mga residente ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa umano’y garapalang operasyon ng mga ilegal na sugal sa perya na walang mga rides sa lungsod ni Santa Rosa Mayor Aelene B. Arcillas.

Ayon reklamo ng mga residente mahigit tatlong taon ng dinudumog ng mga adik at sugarol ang perwisyong operasyon ng “color games at drop ball baraha” na matatagpuan sa may Tram Plaza, Balibago Santa Rosa City, Laguna na pag-aari ng kilalang gambling queen na alyas Judith.

Kaugnay nito, hinamon ng mga residente sina Santa Rosa City, Chief of Police PLtCol Benson Pimentel, Laguna Provincial Director PCol Gauvin Mel Unos at Police Regional Office 4A (PRO4A) Regional Director, Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na puntiryahin at ipatigil ang salot na sugalan sa peryahan na wala namang rides kundi magdamagang sugal na ang “gambling operation” inaabot ng madaling araw ang hindi bababa sa tatlong lamesa ang dinudumog ng mga adik at sugarol gabi-gabi.



Iba naman ang paniniwala ng mga residenteng nagrereklamo sa pitak na ito (na nakiusap na huwag nating banggitin ang kanilang pagkakakilanlan), kung saan hayagang pinasaringan ng mga ito ang ilang personalidad sa hanay ng PNP at LGUs na umano’y tumatanggap ng lingguhang payola kapalit ng proteksyon sa ilegal na negosyo.

Anila, lubhang nakababahala ang lantarang operasyon ng ilegal na pasugalan na kinahuhumalingan ng mga padre de pamilya at maging ng mga kabataang edad 12-anyos pataas na tumataya ng libu-libo. Matatandaang sa naging pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ni Santa Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling operators/lord at sa mga protector nito, ay wala pang nakukulong kahit lantad ang presensya ng iligal na sugal particular ang kinakatawan niyang lungsod, ang Santa Rosa, Laguna.

“Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic Act 9287, ang tanong ko sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), meron na ba tayong naparusahan sa batas na ito na itinaas na natin ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling.Meron na ba tayong naipakulong.” – Tanong ni Fernandez

Ipinaliwanag din ng Kongresista na base sa nasabing batas na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Abril 2, ang mga mananaya ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan habang 10 taong pagkabilanggo sa mga protector.

Malaki ang responsibilidad ng hepe ng kapulisan ng Santa Rosa City at Laguna provincial director maging ng regional director na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato na “police service” ay may mabigat na pananagutan batay sa doktrina ng “command responsibility”. Pero kung totoong nagpabaya sila at walang kakayahang supilin ang salot at perwisyong sugal sa mga residente na itinuturing na notoryus dahil marami na ang nalululon at nasisira ang buhay dahil sa pagsusugal, ay wala na sigurong karapatang manatili pa sa kanilang pwesto sina PLtCol Pimentel, Col Unos at Gen. Lucas, dahil nakakahiya ito?!



Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.