SC UMAKSYON SA ‘DI PAGKILOS NG SENADO SA IMPEACHMENT VS VP SARA
Ilang abogado mula Mindanao kinuwestyon sa SC ang proseso ng impeachment sa Vice President
Advertisers
PINAGKOKOMENTO ng Supreme Court (SC) ang Senado sa mandamus petition na inihain ng grupo ni dating Presidential Commission on Good Government special government counsel, Catalino Generillo Jr.
Inihain ang naturang petisyon upang hilingin sa Korte Suprema na atasan ang Senado na agad simulan ang trial dahil sa hindi pinapayagan ng saligang batas na idelay ito, kahit pa naka-break ang Mataas na Kapulungan.
Sa naging kautusan ng SC nitong Martes, inaatasan nito ang Senado na magsumite ng komento sa loob ng sampung araw nang walang extension.
Ayon kay SC spokesperson Camille Sue Mae Ting, noong Lunes (Feb. 17) ay na-raffle ang naturang petisyon at agad din itong naisama sa agenda ng SC nitong Martes.
Una nang nanindigan si Senate President Francis Escudero na walang mangyayaring impeachment trial habang naka-break ang Senado, bagay na kinukuwestiyon din ng ibang mga legal luminaries at mga kongresista.
Nitong Martes ay inihain din ng ilang mga Mindanaoan lawyer sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon ang Petition for Certiorari and Prohibition upang kuwestyunin ang legalidad at ang naging proseso sa pag-usad ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Ilang abogado mula Mindanao kinuwestyon sa SC ang proseso ng impeachment sa Vice President
NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema ang ilang Mindanawon lawyers nitong Martes ng umaga.
Layunin ng Petition for Certiorari and Prohibition na kuwestiyonin ang naging proseso ng impeachment na nagmula umano sa reklamong inihain sa Kamara.
Tinutukoy nila na ang pagsisimula nito ay may mga procedural errors, Constitutional infirmity at jurisdictional void.
Ang mga nagsumite ng petisyon ay kinabibilangan nina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva at iba pa.
Ang petisyong inihain ay kumukuwestiyon sa proseso ng impeachment na nagmula sa nasabing reklamo, isinasaalang-alang na ang pagsisimula nito ay may mga pagkakamaling procedural, constitutional infirmity, at jurisdictional void.