Advertisers

Advertisers

Pasahe sa LRT-1 tataas simula Abril 2

0 5

Advertisers

PAPALO sa P55 ang pamasahe sa Light Rail Transit o LRT-1 simula sa April 2.

Ang dating P45 na pamasahe mula sa dulong istasyon na Dr. Santos Avenue sa Parañaque hanggang sa dulong istasyon na Fernando Poe Jr., sa Quezon City ay magiging P55 na.

Ang dating P15 na minimum fare ay magiging P20 na.



Ito ay ayon sa inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare matrix ng LRT-1.

Pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang nangangasiwa sa LRT Line 1 na simula nung 2015 ay isang beses pa lamang nagtaas ng pamasahe ang LRT-1.

Apat na beses humiling ang LRMC para sa fare adjustment at ang lahat ay hindi napagbigyan.