Advertisers
HUSTISYA ang panawagan ng isang ama nang maputulan ng isang binti ang 6-anyos niyang anak dahil umano sa kapabayaan ng isang government hospital sa Toledo City, Cebu.
Sa ulat, dumulog ang ama na si Daryl Sam Quimada sa Department of Health Central Visayas (DOH 7), upang magsampa ng reklamo laban sa naturang ospital.
Ayon kay Quimada, nasu-gatan ng nabasag na salamin ang kaliwang binti ng kani-yang anak dahil sa aksidente habang naglalaro noong February 4.
Dinala niya ang anak sa ospital para ipagamot ang sugat. Pero sa halip na doktor ang magtahi sa sugat, isa umanong nursing attendant ang gumawa nito na walang lisensiya.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, nangitim ang binti ng bata kaya nagtungo naman sila sa isang ospital sa Talisay City para ipasuri ang kalagayan ng anak.
Ngunit inirekomenda na ng doktor sa Talisay na kaila-ngan nang putulin ang na-ngitim na parte ng binti ng bata. Isinagawa ang pagputol Pebrero 8.
Nitong Lunes, nagtungo si Quimada sa DOH 7 sa Cebu City para pormal na maghain ng reklamo laban sa ospital sa Toledo dahil sa kapabayaan kaya lumubha ang sugat ng kaniyang anak na nauwi sa pagkaputol sa binti nito.
Tiniyak naman ni Dr. Annessa Patindol, hepe ng DOH-7 Regulation, Licensing, and Enforcement Division, na magpapadala sila ng team sa Toledo City para magsagawa ng fact-finding investigation.
Ayon kay Patindol, aalamin nila kung ano ang ginawa ng mga tauhan ng ospital sa binti ng pasyente.
Pinayuhan din niya ang pamilya ng pasyente na dalhin din ang usapin sa Professional Regulation Commission (PRC) 7, dahil ito ang may awtoridad tungkol sa lisensiya ng doktor sa Toledo na tumingin sa bata.
Pagpapaliwanagin din ang doktor kung totoo na isang nursing attendant ang tumahi sa sugat ng bata sa halip na ang doktor mismo.
Samantala, sinabi ni Dr. Abjel Khan Espera, chief ng ospital ng Toledo City General Hospital, na nagsasagawa na sila ng sarili nilang imbestigasyon sa insidente.
Sinuspindi narin umano ng ospital ang mga staff na sinasabing nag-asikaso sa bata.
“As of now the personnel involved atong gi-hold sa sila, wa sa nato gipa-duty while ongoing [ang] investigation, and then I think naa gyuy mga pamaagi bitaw nga murag moingon ang mga parents nga wala sila tarunga og hatag og instructions, at the same time, sa atua sad personnel dire sa hospital, kami pud although we follow sa guidelines, amo sad ma-question ngano wa sad namo ma-perform as alleged,” ani Espera.
Kasabay ng panawagan para sa hustisya, humihingi rin ng tulong pinansiyal si Quimada para matustusan ang pagpapagamot ng kani-yang anak.