Advertisers
PABAGSAK nang pabagsak ang satisfaction at trust ratings ni Vice President Sara Duterte-Carpio kasunod ng impeachment ng House of Represenatives o Kamara.
Sa survey ng Tangere na isinagawa Pebrero 16 hanggang 17, ang dissatisfaction rating ni Sara ay bumagsak mula sa 40.6 hanggang 40 percent, at ang kanyang trust rating ay bumaba mula 47 hanggang 46.5 percent.
Ang mga hindi na nagtitiwala kay Sara ay tumaas ng 39.5 percent. Araguy!!!
Bunga ito ng patuloy niyang pag-iwas at hindi pagharap sa mga imbestigasyon noon ng House Quad Committee sa umano’y maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education, at mga nabunyag pang katiwalian sa DepEd sa ilalim ng kanyang pamumuno noon.
Sa isa pang survey, 73 percent ng mga Pinoy ay nagsasabi na dapat harapin ni Sara ang kinakaharap niyang impeachment sa Senado.
Wala pang reaksyon sa bagay na ito ang tanggapan ni Sara na hindi narin humaharap sa publiko
***
Nang minsan kapanayamin sa Sara hinggil sa kanyang nararamdaman sa pagka-impeach sa kanya ng House, sinabi niyang mas masakit pa ang iniwan ng karelasyon. Naks!!! Pero sa ating pakiramdam ay nababahala si Sara na mapatalsik siya sa puwesto at hindi na makatakbo pa sa politika o makapasok sa anumang posisyon sa gobierno, at ma-disbar sa pagka-abogada.
May mga nagsa-suggest na makabubuti kay Sara na mag-resign nalang bilang Vice President para hindi na maungkat pa ang kanilang katiwalian partikular ang bank accounts nilang mag-aama na umano’y naglalaman ng bilyones galing sa droga at mga iligal na POGO noong mayor ng Davao City at presidente ng bansa ang kanyang ama, si Digong.
Kapag nagbitiw si Sara, maari pa siyang makatakbo sa 2028.
Pero ayon sa congressmen impeachment prosecutor, kahit mag-resign si Sara sa pagka VP ay dapat ituloy parin ang impeachment para matuldukan nang tuluyan ang political career nito. Araguy!!!
Sa kasalukuyan, hindi pa gumagalaw ang impeachment sa Senado na naka-bakasyon at sa Hunyo pa babalik, pagkatapos ng eleksyon. Abangan!
***
Isang abogado ang nagsampa ng disqualification case sa Comelec laban sa magkakapatid na Tulfo pati sa pamangkin ng mga ito.
Si Atty. Virgilio Garcia ang nag-file ng petition laban sa Tulfos.
Sabi ni Garcia, ang Tulfos ay bahagi ng political dynasty at wala silang “essential requirement of being a natural-born Filipino citizen under the Constitution.”
Ito’y ang magkakapatid na Erwin at Ben Tulfo na kandidatong senador, sister nilang si dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo, asawa ni Sen. Raffy Tulfo na si Jocelyn at anak na si Ralph na kapwa reelectionist congressmen.
Si Erwin ay dating DSWD Secretary na hindi nakapasa sa Commission on Appointment dahil sa kanyang citizenship, si Ben naman ay isa ring American citizen, si Wanda ay nagkaroon ng kasong katiwalian sa Tourism, at ang mag-ina ni Raffy ay talagang poltical dynasty.
Say n’yo mga pare’t mare?