Advertisers
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na Korean nationals sa isang pagsalakay sa hinihinalang raid illegal online gambling hub sa isang hotel sa Pasay City.
Iniulat ni BI fugitive search unit (FSU) chief Rendel Ryan Sy na ang anim na Koreans ay inaresto sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Criminal Investigation and Detection Group Southern Police District Field Unit (CIDG-SPIDFU) noong February 17. Ang operasyon ay kaugnay ng kampanya ng Pangulo na matiyak ang border security and safety sa pamamagitan ng pagtukoy at pag-aresto sa posibleng banta ng dayuhan.
Kabilang sa mga naaresto ay si Ha Jungjo, na may aktibong derogatory record sa BI sa pagiging overstaying o unexplained prolonged presence sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagsalakay ay ginawa kasunod ng opisyal na pahayag ng PAOCC kaugnay ng hinihinalang illegal activities ng mga nasabing dayuhan.
“This successful operation reflects our unwavering commitment to cracking down on illegal foreign operations in the country, especially those engaged in illicit online gambling,” saad ni Viado.
Natuklasan ng mga operatiba ang maraming computer stations na gamit umano sa illegal offshore gaming operations.
Kinumpirma ng Korean authorities na ang monetary transactions sa Korean currency ay linked bank accounts at posibleng may aktibong partisipasyon sa illegal gambling activities.
Ang mga naarestong dayuhan na karamihan ay may hawak na permanent resident visas, ay nahuli sa aktong nag-o-operate ng hinihinalang gambling hub.
“We continue to intensify our enforcement actions against foreign nationals violating Philippine laws, in line with the administration’s directive to maintain law and order,” pagbibigay diin ni Viado.
Sa kabila na ang mga inarestong indibidwal ay itinurn-over sa PAOCC, ang legal custody ng mga ito ay nananatili sa BI dahil na rin sa pagsisimula ng deportation proceedings.
“We will ensure that due process is followed while working closely with our law enforcement partners to rid our country of undesirable aliens engaged in illicit activities,” dagdag ni Viado.
Nahaharap ang anim na Koreans sa deportation at blacklisting mula sa bansa. (JERRY S. TAN)